Dr. Bab Pangan

Dr. Bab Pangan Board-certified specialist in general adult diseases and diseases of the kidneys

29/12/2025
10/12/2025
09/12/2025

Pinakamagandang regalo ngayong Pasko? Isang bagong pag-asa!

Tara, pag-usapan natin ang organ donation sa darating na episode ng PSN Kidney TikTalks na pinamagatang, Regalo Mo BATO?

Samahan niyo kami sa darating na December 10, 2025 at 10AM kasama ang ating speaker na si Dr. Maria Theresa Bad-ang, guest speakers na sina Mr. Sean Kirby Aurellana at Mr. Joseph Aurellana at ang ating moderator na si Dr. Kathleen Joy Garingaro.

Register in advance na!

Register via link below.
https://us02web.zoom.us/webinar/register/WN_EW3aATxMRryyN9HAUjkkwA

Webinar ID: 880 4108 4176
Passcode: 085710

Kitakits!

This program is an initiative of the Philippine Society of Nephrology (PSN). Do not reproduce or share without the permission of PSN. This is not intended to replace the advice of a healthcare professional, always seek consult with your doctor.

03/10/2025
10/09/2025
04/09/2025

No clinic until September 8
Regular clinic schedule will resume on September 9

Thank you. :)

04/08/2025
15/07/2025

Bantay Leptospirosis!

Alam mo ba? Ang leptospirosis ay isang seryosong sakit na nakukuha sa baha o tubig na kontaminado ng ihi ng daga. Delikado ito lalo na kapag may sugat sa balat!

Mga Sintomas:
Lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng tiyan, paninilaw, at hirap sa paghinga.

Agad na magpakonsulta sa health center o doktor kung may sintomas!

May gabay para sa adults at kids kung paano maiiwasan o maagapan ang leptospirosis base sa level ng exposure.

Alamin, Iwasan, at Mag-ingat!

20/06/2025

Tag-ulan na naman, kaibigan!

Alam mo ba na kahit isang beses ka lang lumusong sa baha ay maaari ka nang mahawa ng leptospirosis? Isa itong seryosong sakit na nanggagaling sa ihi ng mga hayop tulad ng daga na humahalo sa baha o kontaminadong tubig.

Kahit wala kang sugat, hindi ka pa rin ligtas. Mas mataas ang panganib kung may galos ka, o kung nakalunok ka ng tubig-baha. At kung paulit-ulit kang lumulusong o lumalangoy sa baha — mas mataas ang tsansa mong magkasakit.

Kaya mahalagang malaman kung kailan ka dapat uminom ng Doxycycline at kung gaano karaming araw ito dapat inumin — depende sa exposure mo sa baha.
Pero tandaan: HINDI ito 100% panlaban! Hindi sapat ang gamot kung patuloy pa rin tayong lumulusong nang walang pag-iingat.

Lalo na sa mga buntis, nagpapasuso, at mga batang 8 years old pababa — bawal ang doxycycline sa inyo.

Kaya kung hindi mo talaga maiiwasang lumusong sa baha, kumonsulta agad sa doktor para malaman kung kailangan mo ng gamot at kung paano ito iinumin nang tama.

Protektahan ang sarili, ang pamilya, at ang komunidad. Iwasan ang baha kung kaya. Alamin ang tamang kaalaman para makaiwas sa leptospirosis.

Address

Cutcut
Angeles City
2009

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Bab Pangan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to Dr. Bab Pangan:

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram