16/03/2025
Magandang araw
Ang Pagbubuntis
Ano ang pagbubuntis?
Ang pagbubuntis ay kapag ang isang namumuong sanggol ay tumutubo at lumalaki sa loob ng bahay-bata. Ang pagbubuntis ay tumatagal ng halos 40 linggo at nahahati sa tatlong “trimester” (yugto) na tumatagal ng humigit-kumulang 13 linggo bawat isa (trimester).
Unang trimester o yugto (linggo 1-12),
Ikalawang trimester o yugto (linggo 13-28), at
Ikatlibg trimester o yugto (linggo 29-40), bawat isa ay minarkahan ng mahalagang pag-unlad ng fetus at mga pagbabago sa ina.
Ang regular na pag konsulta o ng prenatal care ay mahalaga para sa isang malusog na pagbubuntis.
Ang pagbubuntis ay tumutukoy sa panahon kung kailan may nabubuong sanggol (o higit sa isa) na lumalako sa iyong sinapupunan (matris o bahay-bata). Kadalasan itong nangyayari pagkatapos ng pakikipagtalik, ngunit maaari rin itong mangyari sa pamamagitan ng mga assisted reproductive technologies (ARTs). Ang isang pregnancy test na nabibili sa botika ang pinakakaraniwang paraan upang kumpirmahin ang pagbubuntis, ngunit maaari mo ring kumpirmahin na buntis ka sa pamamagitan ng pagsusuri ng dugo. Ang ilan sa mga unang senyales ng pagbubuntis ay ang pagkawala ng regla, pagduduwal at pagkapagod.
Karamihan sa mga pagbubuntis ay maaaring magresulta sa isang buhay na sanggol — pagsisilang ng sanggol sa pamamagaitan ng (normal)va**nal delivery o C-section. Ang ilang mga pagbubuntis ay nagtatapos sa pagka laglag (miscarriage) o pagkamatay ( IUFD or intrauterine fetal demise) ng sanggol sa sinapupunan.
For inquiries Call or text Natino Maternity Clinic at
0933 357 7374