06/08/2025
May Skin and Oral Rashes ba ang anak mo?
Hand, Foot and Mouth Disease
Ang hand, foot and mouth Disease (HFMD) ay isang nakahahawang sakit na sanhi ng mga virus (like Coxsackie virus, Enterovirus, at Echovirus).
Ito ay madalas na nakukuha if may exposure sa taong may dala ng mikrobyo, at paghawak sa mga bagay or laruan na nadapuan ng virus.
Mga Sintomas:
- lagnat
- paglitaw ng mga laso sa bibig (labi, dila, gilagid, ngalangala)
- rashes sa kamay, palad, paa, talampakan, binti, at sa puwit
- paglalaway
- pananakit ng lalamunan
- paghina sa pagkain or padede
Karamihan sa mga batang nahawaan ay may mild symptoms na tumatagal ng 7 hanggang 10 araw.
Gamot:
- kusang nawawala ang sakit
- paracetamol para sa lagnat
- pakainin at painumin ng fluids ang bata upang maiwasan ang dehydration
Mga paraan upang maiwasan at makontrol ang pagkakaroon ng HFMD:
- paghuhugas ng kamay
- disinfect ang mga bagay na madalas hawakan ng bata
- umiwas sa mga taong may sakit.