08/02/2026
‼️1 SA 3 PILIPINO, MAY SAKIT SA PUSO; DOH, PINAALALA ANG EPEKTIBONG PARAAN PARA MAGING MALUSOG ANG PUSO‼️
Ayon sa Field Health Service Information System (FHSIS) ng Department of Health, 36% o 1 sa 3 Pilipino ang may sakit sa puso noong 2024. Sa nakalipas na limang taon, ito pa rin ang nangungunang sanhi ng pagkamatay ng mga Pilipino (PSA, 2024).
Kadalasan, sanhi ito ng Coronary Artery Disease, na nangyayari kapag nagbabara ang mga ugat ng puso dahil sa naipong kolesterol o taba.
Karamihan sa mga risk factor ng Coronary Artery Disease ay modifiable o maaaring baguhin, kaya nararapat itong aksyunan bago pa mauwi sa heart attack o atake sa puso.
Tignan ang larawan at ibahagi ang impormasyon para maiwasan ang Coronary Artery Disease.