12/05/2026
Maging maingat sa pagkain ng mga street foods, ka-botika! ๐ฃ
Siguraduhing malinis, bagong luto, at safe ang pagkain para iwas sakit at food poisoning.
Ingat lagi at stay healthy! โจ
DEADLIER THAN CANCER?
Natuklasan sa pag-aaral ng UP Manila ang antimicrobial resistance o AMR bacteria sa ilang street food at inumin sa Maynila. Ayon sa ulat, lahat ng 12 sinuring palamig stalls sa Tondo ay may natukoy na drug-resistant bacteria sa mga produkto at kagamitan.
Nagbabala si UP Manila Chancellor Dr. Michael Tee na maaaring maging isa sa pangunahing sanhi ng pagkamatay ang AMR pagsapit ng 2050 kung patuloy na lalala ang resistensya sa antibiotics. Ipinaliwanag din ng mga eksperto na mas mabilis magkaroon ng resistance ang bacteria kaysa makabuo ng bagong gamot.
Natagpuan din umano ang AMR bacteria sa ready-to-eat street food, sawsawan, seafood, salads, at ilang poultry products. Nanawagan ang mga mananaliksik para sa mas mahigpit na sanitation measures, vendor training, at tamang paggamit ng antibiotics.