
02/09/2025
“IWAS PUTOL: Tamang Hakbang sa Pag-aalaga ng Diabetic Foot”
Pinangunahan ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) kasama sina Dr. Emiliano Tablante at Dr. Adrian Tablante ang programang “Iwas Putol” dito sa Pampanga.
Layunin ng proyektong ito na magbigay ng kaalaman, libreng pagsusuri, at tamang gabay sa pangangalaga ng paa ng mga may diabetes upang maiwasan ang impeksiyon at putol (amputation).
Sa pamumuno nina Dr. Emil at Dr. Adrian Tablante, patuloy ang adbokasiya para sa kaligtasan ng paa at mas magandang kalidad ng buhay para sa mga pasyenteng may diabetes.