25/09/2025
๐๐๐ ๐๐จ๐ ๐ช๐ฌ๐๐ก๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐ผ๐ฃ๐๐๐ก๐๐จ ๐พ๐๐ฉ๐ฎ, ๐๐๐๐ง๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ฃ๐ ๐๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐๐๐จ๐ค๐
Bagong Gabay sa Pagdeklara ng Suspension ng Klase Tuwing Masama ang Panahon:
Malugod naming ipinaabot sa publiko ang bagong alituntunin tungkol sa pagdeklara ng suspension ng klase sa pampubliko at pribadong eskwelahan sa Angeles City kapag may masamang panahon.
Ang bawat pribadong paaralan at ang mga eskuwelahan under Department of Education (DepEd) ay maari ng magpatupad ng suspension of classes.
Ang mga eskwelahan ay mayroon ng karapatang magdeklara ng walang pasok batay sa kanilang lokal na sitwasyon.
Napagkasunduan rin sa pagpupulong with DepEd at ACAPS na isasama na ang mga Senior High School sa suspension kapag nasa Signal #2 na ang lungsod.
๐ชโ๏ธKapag may Bagyo o Tropical Cyclone Signal:
Signal #1: Suspendido ang klase sa Kindergarten lamang.
Signal #2: ๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ข๐จ๐ซ ๐๐ข๐ ๐ก ๐๐๐ก๐จ๐จ๐ฅ (๐๐ซ๐๐๐๐ฌ ๐๐ ๐๐ญ ๐๐) ๐ฌ๐ ๐ฌ๐ฎ๐ฌ๐ฉ๐๐ง๐ฌ๐ข๐จ๐ง.
Signal #3 at pataas: Walang pasok sa lahat ng antas.
๐งRainfall Warning:
๐กYellow rainfall warning: Maaari ng magdesisyon ang mga School Heads para sa granular o localized suspension depende sa sitwasyon.
๐ ๐ดOrange at Red rainfall warnings: Automatic na suspendido ang klase sa lahat ng antas.
๐ข๐ฃPag-uulat at Pakikipag-ugnayan:
Ang mga pribado at pampublikong paaralan ay makikipag-ugnayan sa Angeles City Information Office upang i-report ang kanilang desisyon na magdeklara ng walang pasok. Ang CIO naman ang magbibigay ng listahan ng mga eskuwelahan na nag-anunsiyo ng suspension of classes sa pamamagitan ng pagpost sa official FB page.
Maraming salamat sa inyong pang-unawa at pagtutulungan, mga ka-Angeleรฑos!