14/03/2021
May kasabihan po tayo na ang gamot sa nakakalimot ay ang paalala.
Tumataas na naman po ang bilang ng kaso ng Covid 19 sa bansang Pilipinas. May pagaaral ang mga Siyentista na kapag wala tayong ginawa sa loob ng mga ilang araw upang mapigilian ang pagkalat ng mikrobyo ay makakaranas na tayo ng higit 7 libong kaso bago matapos ang bwan ng Marso hanggang sa kalagitnaan ng Abril.
Ang buong mundo at ang tao na nakatira dito ay nagtutulungan upang mapigilan ang mapagpuksang mikrobyo na ito. Ang buhay ng isang tao na binawi ng mikrobyo na ito ay wag natin isawalang bahala bagkus matuto po tayo dito.
Isuot po natin ang ating mask. Ang mask ay sinusuot sa taas ng ilong hanggang sa ating baba. Ang dinadaanan ng mikrobyo upang makapasok sa ating katawan ay kadalasan ay sa ilong kaya natin ito ay tinatakipan ng mask. Susunod po ay bibig, kaya po tinatakpan din po natin ang ating bibig.
Isuot po natin ang Face Shield. Ang Face Shield po ay pang harang sa mga laway, plema, bahing, sipon na maaring tumalsik sa ating mukha. May mga tao po kasi talsik laway kapag nagsasalita or kumakanta.
Maglagay po tayo ng proteksyon sa mata katulad ng salamin. May pagaaral din po kasi lumalabas na maari makapasok sa mata ang mikrobyo.
Maghugas ng kamay. Ang dahilan po dito ay dahil bumabagsak sa lupa or sa mga "surfaces" ang mikrobyo, maari natin maikusot sa ilong, mata at bibig ang kontaminadong kamay natin kaya ito po ang dahilan bakit kailangan natin maghugas ng kamay.
Tayo po ay dumistansya sa ating kausap ng 6 na talampakan. May pagaaral po na ang taong nagsasalita, umuubo, sumisinga ang layo na maaring abutin ng mga nabanggit na gawa ay pwedeng umabot hanggang 5 talampakan kaya napakahalaga na tayo ay maglayo layo.
Marami na pong pagaaral, wala pong katotohanan na ang pagsusuot ng mask ay nakakaubos ng hininga. Ang oxygen molecule ay mas hamak na maliit kumpara sa sukat ng covid 19 virus. Ang mga mask natin po ay epektibong sumasalag sa laki ng covid 19 kahit ito ay South African, UK, Brazil or Philippine Strain ngunit ang mask natin ay di nasasalag ang Oxygen.
Sa panahong ng Pandemya, ang tunay na nagmamahal sa kanyang kapwa ay pinoprotektahan nya ang kanyang sarili ng sa ganun ay di sya makakuha ng mikrobyo, kung tayo mapoproteksyunan ng ating mask, face shield, salamin, hugas kamay at distansya, mapoproteksyunan din natin ang ating kapwa.
Kung di naman po importante ang ating lakad, tayo po ay manatili sa bahay natin. Wag natin hayaan macontamina ng mikrobyo ang ating bahay dahil lamang sa hindi pagsunod ng minimum health standards.
Tandaan... Lamang ang may alam.