19/09/2025
Sa pagtutulungan ng Department of Health-CaLaBaRZon, Provincial Department of Health Office, Department of Education-Rizal at ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Angono, ay matagumpay na isinagawa ang Bakuna Eskwela Kick-Off Ceremony bilang bahagi ng School Based Immunization Program ng National Government sa Angono Elementary School (AES) ngayong araw, September 19, 2025, Biyernes.
Ang nasabing programa ay dinaluhan ng mga g**o, magulang at mga taga-pangalaga ng mga mag-aaral mula sa Grade 1 at Grade 4 ng nasabing paaralan.
Bilang panimula ng programa ay nagbigay ng mensahe para sa mga dumalo sina Dr. Voltaire S. Guadalupe-OIC DOH Regional Director, Dr. Jose Carlo Antonio Nasol-DepEd Medical Officer III, Mrs. Emelita Saulo-AES School Principal at Hon. Jonathan Hernandez-Municipal Councilor/Chairmain-Committee on Health bilang kinatawan ni Municipal Mayor Gerardo V. Calderon.
Naging parte din ng programa ang Bakuna Eskwela Orientation na pinasimunuan ng mga sumusunod:
1. Erwin De Mesa, MD, FPOGS, FPIDSOG (Human Papilloma Virus Vaccine Lecture)
2. Andrea Rodriguez, RN - Angono Health Education Promotion Officer (Bakuna Eskwela Interim Guidelines and Vaccine Preventable Diseases Lecture)
Sa pagtatapos ng programa ay nagbigay ng mensahe si Arlene Reyes, RN bilang kinatawan ng Municipal Health Officer na si Dr. Rodolfo S. Narciso, Jr. at ito naman ay sinundan ng Ceremonial Vaccination o pagbabakuna sa mga Grade 1 at Grade 4 na mag-aaral na pinasimunuan ng mga DOH Human Resources for Health na Nurses at Midwives na nakadestino sa Bayan ng Angono.
Layunin ng programang ito na mapanatiling malusog at mabigyan ng tamang proteksyon ang mga mag-aaral laban sa Vaccine preventable Diseases tulad ng Measles/Tigdas, Rubella/Tigdas Hangin, Tetanus, Dipterya at Human Papilloma Virus (HPV).
Ang School-Based Immunization o Bakuna Eskwela ay gaganapin sa mga Pampublikong Paaralan sa Bayan ng Angono batay sa iskedyul na itatakda at iaanunsyo ng mga paaralan katulong ang Department of Education-Rizal at Angono Municipal Health Office.
๐ธ Bernard Laca
PIO | Angono News
โ๏ธ Angono HEPO