10/05/2020
Madali bang maging Christian?
Nais kong maging simple ang aking pahayag. Sisimulan ko sa pagbibigay ng kahulugan kung ano ang pagiging Kristiano?
Ang Kristiyano ay taga sunod ni Cristo, disipulo. Walang ibang boses na dinidinig kundi ang tinig ng Diyos. Wala iniwan sa isang tupa na kung hindi susunod sa kanyang Pastol, maliligaw siya. Sumusunod, hindi yaong naniwala lang at nawala.
Ang tanong, madali bang maging Kristiyano?
Gusto ko lamang kunin ang sulat ni Apostol Pablo sa mga taga Tesalonica ( 1 thessalonians 5:16-18 ) 16Mangagalak kayong lagi; 17Magsipanalangin kayong walang patid; 18Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo; sapagka't ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
Sa totoo lang hindi madaling maging Kristiyano kung ang ating titignan ay itong habilin ni Apostol Pablo.
Una, nais nyang magalak tayong lagi, papano kaya tayo makakapagpatuloy ng kagalakan kung andito tayo sa gitna ng krisis ng covid?
Pangalawa, Magsipanalangin daw tayo ng walang patid, ito ay maari pa nating maisagawa dahilan sa matinding takot, maari tayong makapanalangin subalit papano ang pagpapanatili?
Pangatlo, Sa lahat ng mga bagay ay magpasalamat kayo. Kung ating iisipin, lubhang mahirap sabihing salamat at merong covid 19.
Subalit kailangan nating gawin kasi ito ang kalooban ng Dios kay Cristo tungkol sa inyo.
Ang covid 19 po ay hindi kalooban ng Diyos. Ang kalooban ng Diyos ay magkaroon tayo ng tatlong bagay sa ating buhay sa kahit anong sitwasyon tayo nandun.
Magalak, Manalangin at Magpasalamat.
Ano po ba ang dapat nating ikagalak? sa katotohanan po, ang magising na humihinga pa tayo sa gitna ng pandemic ay sapat ng dahilan para tayo magalak. Buhay po tayo at patuloy na humihinga. Ang bubuhay po sa ating ay ang pananalangin dahil ito po ang nagsisilbing hininga natin para patuloy na magkaron ng pananampalataya at pag-asa. Ang pinakahuli po ang ang Magpasalamat, alalahanin po nating, ang ating buhay ay hiram lamang natin sa Panginoon. Dadating pong panahon at babawiin ito sa atin. Hindi man po covid 19 ang maging dahilan, uuwi at uuwi po tayo sa talagang tahanan natin. Dapat pong ipagpasalamat nating tayo ay buhay sa araw araw at patuloy na mabubuhay sa kinabukasan kasama ang ating Panginoon.
Sa pagpasok po natin sa tinatawag na "new normal" nawa po ay magpatuloy tayong mabuhay at magagawa po natin ang lahat ng ito sa mayamang biyaya ng Diyos na tayo po ay mananatiling may kagalagan, may pananalangin at me pasasalamat.