Antipolo Super Health Center 1 - San Isidro

Antipolo Super Health Center 1 - San Isidro Health service for the public, including free check ups, laboratory tests, ECG, x-rays and medicines

01/05/2026
01/05/2026

Taas noo, Manggagawang ๐€๐๐“๐ˆ๐๐Ž๐‹๐„๐๐˜๐Ž! Ikaw ang tunay na bida ngayon! ๐Ÿ’ช

Sa totoo lang, araw-araw naman kayong bida sa bawat pagbangon nang maaga, sa bawat pagod na hindi pinapansin, at sa bawat sakripisyong ginagawa para sa pamilya at sa bayan. Kaya ngayong araw, gusto lang naming sabihinโ€ฆ salamat, sobra. ๐Ÿ’–

Mula sa mga nasa kalsada, opisina, negosyo, at tahanan kayo ang dahilan kung bakit patuloy na umaandar at umuunlad ang ating lungsod. Yung mga simpleng ginagawa ninyo araw-araw? Malaki ang ambag niyan sa buhay ng bawat Antipolenyo. ๐Ÿ™๏ธ

Alam naming hindi madali ang lahat. May pagod, may puyat, may mga araw na gusto mo na lang magpahinga. Pero tuloy pa rin dahil may dahilan, may pangarap, may pamilyang inuuwian.

Kaya dasal namin na patuloy kayong bigyan ng lakas, kalusugan, at mas maraming biyaya. Sana dumami pa ang araw na kayo naman ang napapahinga, napapasaya, at napapahalagahan. ๐Ÿ™(blue_heart)

Maraming salamat po, mga manggagawang ๐€๐๐“๐ˆ๐๐Ž๐‹๐„๐๐˜๐Ž.
Saludo kami sa inyo hindi lang ngayon, kundi araw-araw. ๐Ÿ‘โœจ

29/04/2026

๐Œ๐€๐†-๐ˆ๐๐†๐€๐“ ๐’๐€ ๐‡๐„๐€๐“ ๐‘๐„๐‹๐€๐“๐„๐ƒ ๐ˆ๐‹๐‹๐๐„๐’๐’๐„๐’ ๐๐†๐€๐˜๐Ž๐๐† ๐๐€๐๐€๐‡๐Ž๐ ๐๐† ๐“๐€๐†-๐ˆ๐๐ˆ๐“ ๐ŸŒž

Sa patuloy na pagtaas ng temperatura ngayong summer, tumataas din ang panganib ng ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—ฐ๐—ฟ๐—ฎ๐—บ๐—ฝ๐˜€, ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐—ฒ๐˜…๐—ต๐—ฎ๐˜‚๐˜€๐˜๐—ถ๐—ผ๐—ป, at ๐—ต๐—ฒ๐—ฎ๐˜ ๐˜€๐˜๐—ฟ๐—ผ๐—ธ๐—ฒโ€”mga kondisyong maaaring magdulot ng seryosong komplikasyon at maging banta sa buhay kung hindi agad maagapan.

Ang heat stroke ay isang ๐—˜๐— ๐—˜๐—ฅ๐—š๐—˜๐—ก๐—–๐—ฌ. Kapag ang temperatura ng katawan ay umabot sa mapanganib na antas, maaari itong magdulot ng pagkalito, pinsala sa mga organo, at maging kamatayan.

๐Ÿ“ข Kaya naman, mahalagang sundin ang mga paalala:
โ€ข Uminom ng sapat na tubig kahit hindi nauuhaw
โ€ข Iwasan ang matinding init ng araw (10AMโ€“4PM)
โ€ข Magsuot ng presko at magaan na damit
โ€ข Magpahinga at manatili sa malamig o may lilim na lugar
โ€ข Iwasan ang alak at matatamis na inumin

Hinihikayat ang lahat na i-check at sundin ang mga gabay mula sa DOH CaLaBaRZon upang mapanatiling ligtas ang sarili at pamilya ngayong tag-init.

Sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Antipolo at City Health Office, patuloy ang paalala at pagkilos para sa kalusugan ng bawat Antipoleรฑo.

๐Ÿšจ Tandaan: Kapag may sintomas ng heat-related illness, kumilos agad at humingi ng tulong.


29/04/2026

Part 1
ALAM MO BA? Ang Rabies ay NAKAMAMATAY ngunit ITO AY NAIIWASAN! ๐Ÿถ๐Ÿฑ

Ipinapaalala ng Antipolo City Health Office, sa patuloy na suporta ni Mayor Jun Ynares, na mahalagang maging maingat, mapagmatyag, at responsable sa pag-aalaga ng ating mga alagang hayop upang maiwasan ang rabies na maaaring magdulot ng panganib sa buhay ng tao.

Ang rabies ay isang seryosong sakit na dulot ng virus na naipapasa mula sa hayop papunta sa tao. Kapag nagkaroon na ng sintomas ang isang taong may rabies, ito ay halos palaging nakamamatay. Ngunit ang mabuting balitaโ€”ito ay 100% naiiwasan kung agad na maagapang magpabakuna.

๐Ÿ“Œ Paano naipapasa ang Rabies?
โ€ข Kagat ng a*o o pusa
โ€ข Laway ng hayop na napunta sa sugat o bukas na balat
โ€ข Gasgas o kalmot mula sa hayop na may rabies

๐Ÿฉน Kapag nakagat o nakalmot ng hayop, gawin agad ang mga sumusunod:
1๏ธโƒฃ Hugasan agad ang sugat gamit ang dumadaloy na tubig at sabon sa loob ng 10 minuto
2๏ธโƒฃ Lagyan ng pansamantalang balot kung kinakailangan
3๏ธโƒฃ Magpatingin agad sa pinakamalapit na Animal Bite Treatment Center (ABTC) upang mabigyan ng tamang bakuna at lunas

๐Ÿฅ Animal Bite Treatment Center (ABTC) Schedule:
๐Ÿ“ Para sa mga taga Upper Antipolo:
iMall Antipolo โ€“ 3rd Floor
๐Ÿ•˜ Monday to Saturday | 9:00 AM โ€“ 6:00 PM
๐Ÿ“ Para sa mga taga Lower Antipolo:
SM City Downtown (Dating SM CHERRY)
๐Ÿ•˜ Monday to Saturday | 9:00 AM โ€“ 6:00 PM

๐Ÿ“ž Para sa mga katanungan, maaari ring tumawag sa: 8697-0362

๐Ÿ• Responsableng pag-aalaga ng a*o at pusaโ€”kabilang ang regular na pagbabakuna laban sa rabiesโ€”ang isa sa pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang ating pamilya, kapitbahay, at buong komunidad laban sa sakit na ito.


29/04/2026

๐Ÿ‘๏ธ IWAS SORE EYES, ANTIPOLO!

Patuloy ang paalala ng Antipolo City Health Office sa pangangalaga ng ating mga mata laban sa sore eyes (conjunctivitis) na madaling kumalat lalo na sa komunidad.

Ang sore eyes ay maaaring magdulot ng pamumula, pangangati, pagluha, at pakiramdam na may buhangin sa mata. Ito ay maaaring sanhi ng virus, bacteria, o allergy at naipapasa sa pamamagitan ng direktang paghawak sa mata, paggamit ng shared items, at kakulangan sa tamang kalinisan.

โœ… Ugaliing maghugas ng kamay
โŒ Iwasan ang paghawak o pagkusot ng mata
โŒ Huwag mag-share ng tuwalya, panyo, o makeup
โœ… Panatilihing malinis ang kapaligiran

โš ๏ธ Kung may sintomas, umiwas muna sa pakikisalamuha at magpatingin sa doktor.

Sa patnubay ng ating mahal na Mayor Jun Ynares, patuloy ang pagpapaigting ng Antipolo City Health Office sa pagbibigay ng tamang impormasyon upang mapanatiling ligtas at malusog ang bawat Antipoleรฑo.

๐Ÿ“ข Disiplina sa kalinisan = Proteksyon sa mata!
๐Ÿ’™ Malinis na kamay, ligtas ang mata!











26/04/2026

๐๐€๐๐€๐‹๐€๐๐†๐ˆ๐ ๐’๐€ ๐”๐Œ๐€๐†๐€ (Good Shepherd Sunday | World Day of Prayer for Vocations)

Amang makapangyarihan, tulungan kaming maipagdiwang ang aming kagalakan sa Panginoong muling nabuhay at upang maipahayag sa aming pamumuhay ang pag-ibig na aming ipinagdiriwang, sa pamamagitan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen!

Walang hanggang pasasalamat, Mahal na Poong Jesus Nazareno!

Ang DAMBANA ni JESUS NAZARENO ay TAHANAN ng bawat PILIPINO at BUKAL ng PAG-ASA.

According to Florence Nightingale THEORY of ENVIRONMENT, in order to achieve wellness, we have to get rid of things that...
25/04/2026

According to Florence Nightingale THEORY of ENVIRONMENT, in order to achieve wellness, we have to get rid of things that can cause illness and disease. GENERAL CLEANING muna tayo mga Ka Super Antipolo Super Health Center 1 - San Isidro

RPhs, RNs, OPSS, Utility unite!!!

Address

Block 30 Lot 2 Sitio Culdesac Phase 1 Bagong Nayon 2, Brgy San Isidro
Antipolo
1870

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Antipolo Super Health Center 1 - San Isidro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share