
11/07/2025
Our President’s Advise.
Maging maingat palagi sa mga salitang binibitawan at iwasan ang mga salitang masakit pakinggan.
"Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig."
- Mga Taga-Efeso 4:29 RTPV05
Kahit anong sitwasyon may nagawa man silang mali o hindi mo nagustuhan maging malumanay sana tayo dahil hindi natin alam kung anong pinagdadaanan ng bawat tao.
Katulad ng sinabi sa,
- Kawikaan 15:4 ASND
Ang malumanay na pananalita ay nakapagpapasigla ng kalooban ng tao, ngunit ang masakit na salita ay nakakasugat ng puso.
Yes may mga pagkakataon talagang susubukin ka ng pasensya mo.
Pero kung dumarating kana sa ganyan. Hingang malalim bago magbitaw ng mga salita.
Kung nagkamali itama sa wastong paraan yung hindi pasigaw at gumagamit ng mga masasakit na salita.
Sabi nga sa,
- Samuel 19:7
"Now go out and encourage your men..."
Ibig sabihin napaka importante pala ng mga lumalabas sa ating bibig kaya sikapin natin palagi na i-encourage ang tao sa paligid natin.
Huwag yung puro negatibo at puro masama ang sinasabi.
Dahil ang bawat salita na ating binibitawan ay mayroong kapangyarihan, kaya dapat nating gamitin ito sa tama at magandang paraan.
Rooting for you! Never give up! See you at the Top! 🙏🏽☝️❤
Be inspired awakened & motivated. Follow us for more! 😉
IG: https://www.instagram.com/allenmarvineder
TikTok: https://www.tiktok.com/
Youtube: https://www.youtube.com/