31/03/2026
Alam niyo, noong una kayong humarap sa akin during interview niyo bilang applicant as ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐๐ฏ๐จ๐๐๐ญ๐๐ฌ, magkakaiba ang aura na nararamdaman ko noon. May iilan na may kaba during interview, iba kalmado, may mga palaban ang sagot, at may iilan na tila ba nagmamadali nang matapos agad ang interview dahil sa kaba. Hindi ko pa alam noon na ang magkakaibang mukhang ito ang siyang magiging dahilan kung bakit ako mananatiling masaya sa profession ko.
Sinubukan kong itanim sa inyong isipan na ang pagiging advocate ay hindi basta-basta. Kailangan ng commitment at dedication para sa serbisyo na ibibigay niyo sa kapwa niyo kabataan. Walang formula para maging perfect na advocate kasi puso na may pagmamahal sa ginagawa ang dapat. Ngunit hindi ko sinasabi sa inyo na tuwing may mga natatapos tayong programa o events, hindi ko alam kung sino sa atin ang mas ipinagmamalaki kayo ba, dahil simula sa preparation hanggang sa program nagawa niyo, o ako, dahil kayo ang naging sagot sa tanong kong โ๐ ๐๐ฎ๐ ๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐ ๐ค ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐ง.โ
Naalala ko pa yung mga araw na pagod, gutom, may iyak at tawa tayo dahil sa mga projects pero nagagawa niyo pa ring tumawa sa mga biro ko minsan pero mas madalas na mas corny kayo. Naalala ko din yung mga panahong mahina ako, nandyan kayo para maging lakas ko. Naalala ko din yung mga luha niyo noong pressure sa acads, family problems, at kung ano mang kinahaharap niyo, at yung yakap niyo sa akin tuwing pagod ako at nanahimik sa sulok habang umiiyak. ๐๐๐จ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ง ๐ฉ๐๐ซ๐จ ๐ ๐ฎ๐ซ๐จ ๐ฉ๐๐ฅ๐ ๐๐ค๐จ.
Sa bawat alaalang yun, hindi lang kayo ang nag-aaral. Ako rin natuto. Natuto akong maging mas matiyaga. Natuto akong maging mas malambing, kahit pa ang tingin ng iba nabibigyan na ng ibang kahulugan. Natutunan ko sa inyo kung paano mahalin ang trabahong ito nang hindi napapagod dahil sa tuwing nakikita ko kayong lumalaban, para na rin akong nabubuhayan.
At ngayon, nandito na tayo.
Hawak ang inyong diploma at suot ang mga medalya. Hindi na kayo yung mga batang takot sumagot noon, tahimik at nasa comfort zone lang. Ngayon, handa na kayong harapin ang mas malaking mundo. At ako? Narito lang ako, nakatayo sa gilid, puno ng pagmamalaki ngunit may konting lungkot. (konti lang)
Hindi ko alam kung paano sasabihin sa inyo na ang ๐๐๐๐ง๐๐ข๐ ๐๐๐ง๐ญ๐๐ซ na ay hindi na kumpleto kapag wala na kayo. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang susunod na batch ng mga advocates nang hindi ko kayo hinahanap sa playing room at counseling room.
Pero higit sa lahat, gusto kong malaman niyo na ang pagiging proud ko sa inyo ay hindi nasusukat sa post ko na to hahaha. Proud ako sa kung sino kayo sa inyong tyaga, sa inyong sipag, at sa inyong puso. Sa bawat isa sa inyo, iba-iba man ang landas na tatahakin, bitbit niyo ang isang piraso ng puso ko.
๐๐๐ฎ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ก๐๐ฃ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐๐๐ ๐๐ฉ ๐ ๐๐๐๐ฉ ๐ฅ๐๐๐ค๐, ๐ฅ๐ช๐ข๐๐ฅ๐๐จ๐ค๐ ๐ฅ๐ ๐ง๐๐ฃ ๐๐ ๐ค ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐ฉ๐. ๐๐๐ฎ๐ค ๐๐ฃ๐ ๐ฃ๐๐๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ ๐๐จ ๐ ๐ค ๐จ๐ ๐ข๐๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ค๐ฃ๐ ๐๐ช๐จ๐ฉ๐ค ๐ ๐ค ๐ฃ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ช๐ข๐ช๐ ๐ค ๐จ๐ ๐จ๐๐จ๐ฉ๐๐ข๐.
Kaya ngayong araw na ito, hayaan niyo naman akong maging estudyante niyo kahit sandali. Hayaan niyong ako naman ang matuto sa inyo kung paano bitawan ang isang bagay na sobrang mahalaga dahil alam mong kailangan na nitong lumipad.
Huwag kayong mag-alala. Hindi ko isasara ang pintuan ng TeenDig Center. Dito lang ako, naghihintay na bumalik kayo kahit kalianhindi na bilang aking mga student at advocates, kundi bilang aking mga naging kaibigan, at higit sa lahat, bilang aking pamilya sa pangalawang tahanan.
Nagmamahal,
๐๐๐ง๐ ๐ฐ๐ข๐ง