26/09/2025
P20/kg na binetahan ng Luya sa mga magsasaka kinayang ibenta ng P600/kg?!
"Bilang Isang magsasaka kailangan hindi lang tayo mag isip bilang magsasaka kundi bilang isang negosyante"
Ito ang tumatak na mga salita na narinig ko sa isang seminar ng "Ministri ng Pagsasaka" sa Tanza Cavite
Sa video na ito, Pinapaliwanag ni ate Marinell Cahibaybayan George ang kahalagahan ng Value Adding at kung paano nito naisasalba ang mga pagkaing binebenta ng ating mga magsasaka upang hindi sila malugi
Base sa kabuuang kwento, nung 2016 nabalitaan ng tatay ni ate marinell na tumaas ang Presyo ng Luya humigit sa P200 per kg kaya nagtanim sya ng marami, Pagdating ng 2017 marami ang demang ng luya kaya bumaba ang presyo sa merkado na umabot sa P20/kg ang bentahan ng luya
Ito ay ikinalungkot ng husto ng tatay ni ate manel at dahil dito naisipan niyang gumawa ng mga value adding na produkto gamit at gumawa ng salabat
Sa binetahan ng luya na P20 per kg naibenta nila ang mga luyang salabat sa P600/kg
Ito ay may profit margin na P300 sa kada 5 kilong Luya(1kg of fresh ginger=200g of Powdered ginger) 1kg of ginger=P20 P20x5=P100 +P200(Other cost for production)
P300/5= P50
Sa kabuan kumita sila ate manel ng 150%
Naway dumami pa ang mga ganitong tao na may busilak na pusong magbibigay ng opportunidad sa mga sustinableng pamamaraan ng pamumuhay
Muli ako si Kuys Joms ang kasama ninyo sa buhau na Makalikasan, Makalusugan, Makakultura at Makatao