13/03/2026
Sa Canumay National High School naman pumunta ang ating Team ACADAO para makipagkwentuhan at magbahagi ng kaalaman tungkol sa drug abuse prevention sa kanilang Grade 7 hanggang Grade 12 students. Humigit-kumulang 250 students ang nakilahok sa seminar na ito.
Sa pamamagitan ng open discussion, napag-usapan natin ang mga panganib ng illegal na droga, kung paano makaiwas sa tukso, at kung bakit mahalagang piliin ang tamang landas para sa kanilang kinabukasan.
Nakakatuwang very active ang mga estudyante... maraming tanong, insights, at pagbabahagi ng kanilang mga pananaw.
Patuloy lang ang ating layunin na maabot ang mas maraming kabataan at mapanatiling drug-free ang ating komunidad. 💬
Para sa anumang drug-related concerns, puwede kayong mag-message o tumawag sa amin:
📞 0917-112-0737 / (02) 8689-4588