San Vicente Health Center - Apalit, Pampanga

San Vicente Health Center - Apalit, Pampanga Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from San Vicente Health Center - Apalit, Pampanga, Medical and health, Apalit.

Barangay San Vicente Health Center
Apalit, Pampanga
-PULO MALIGAYA
- PULO BABO
- PIARAP
- ALAULI
-CABANBANGAN PISIPIT
-PIGULUT
- PISIPIT
- SULIPAN ROAD / FERMENTATION

23/10/2025

‼️”TRANGKASO BYE-BYE!” CAMPAIGN KONTRA FLU, INILUNSAD NG DOH‼️

Maghugas ng Kamay, Trangkaso Bye-Bye!
Magpahinga sa Bahay, Trangkaso Bye-Bye!
Kumain ng Prutas at Gulay, Trangkaso Bye-Bye!—ito ang mensahe ng DOH sa kampanya nitong “Trangkaso Bye-Bye” na inilunsad bilang bahagi ng tamang edukasyon sa pag-iwas sa trangkaso o flu.

Nauna nang inihayag ng DOH na bagamat walang outbreak, nasa flu-season pa rin ang bansa mula sa panahon ng tag-ulan nitong Hunyo hanggang sa kasalukuyang pagpapalit ng monsoon season papuntang Amihan.

Batay sa latest surveillance ng DOH, nakapagtala ng 6,457 kaso ng Influenza-Like Illness (ILI) mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11, 2025, na 25% mas mababa kumpara sa 8,628 kaso sa kaparehong panahon noong 2024.

Ang ILI ay isang matinding impeksyon sa paghinga na dulot ng mga virus tulad ng Influenza A at B, Respiratory Syncytial Virus (RSV), at Rhinovirus.

Sentro sa kampanyang Trankaso Bye-Bye! ang mga simpleng gawain para makaiwas sa pagkakasakit.




16/10/2025
28/09/2025
21/09/2025
🛡️ Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease! 🛡️Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang ed...
21/09/2025

🛡️ Iwasan ang Hand Foot and Mouth Disease! 🛡️

Ang HFMD ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang edad 5 taon pababa. Nagdudulot ito ng pagpapantal sa kamay, paa, at singaw sa bibig.

Protektahan ang iyong anak laban sa sakit na ito!
✅ Ugaliing maghugas ng kamay
✅ Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig
✅ Linisin at i-disinfect ang mga kagamitan
✅ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center

Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa HFMD!

21/09/2025

🚨 LABANAN ANG MGA SAKIT NGAYONG TAG-ULAN 🚨

Kasabay ng posibleng epekto ng Super Typhoon Nando sa mga kabahayan at ari-arian, tumataas din ang panganib ng iba’t ibang sakit.

Protektahan ang pamilya sa pamamagitan ng:

1️⃣ Pagsubaybay sa anunsyo ng PAGASA at lokal na pamahalaan.

2️⃣ Pagsagawa ng TAOB, TAKTAK, TUYO, TAKIP para walang pamahayan ang lamok.

3️⃣ Pananatili sa bahay kapag may sakit.

4️⃣ Agarang pagpapakonsulta kapag may nararamdamang sintomas.

❗️Tandaan: Tumawag sa National Emergency Hotline 911 o sa inyong lokal na emergency hotlines kapag nangailangan ng tulong ❗️




18/09/2025

DOH: GENERICS NA GAMOT, LIGTAS AT MABISA KATULAD NG BRANDED

Abot-kaya ang generics na gamot. Epektibo at de-kalidad rin ito katulad ng mga gamot na branded.

Alinsunod sa Generics Act of 1988, paalala ng DOH:

✅ Dapat na may generic name ang gamot sa iyong reseta

✅ Dapat nakasulat nang malinaw at nakalagay sa itaas ng brand name ang generic name sa lahat ng labels, ads, at iba pang promotional materials

Tandaan: Kumuha lang ng mga gamot sa mga lihitimong health centers, klinika, at botika para makasigurong ligtas ang gamot na mabibili o makukuha.




18/09/2025

❗MAAGANG THERAPY, NAPAPABUTI ANG KONDISYON NG CEREBRAL PALSY PATIENTS❗

Ayon sa isang pag-aaral, ang maagap na therapy ng mga batang may Cerebral Palsy—lalo na bago magdalawang taong gulang—ay nakapagpapabuti sa kanilang galaw, pakikipag-usap, at pang araw-araw na aktibidad.

👩‍🍼 Simulan agad ang physical, occupational, at speech therapy
🏫 Magparehistro ng PWD ID sa inyong LGU para sa benepisyo at serbisyo
💡 I-avail ang PhilHealth Z-Benefit para sa mobility aids at follow-up care

Source: Morgan et al., JAMA Pediatrics, 2021




‼️ 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 ‼️SAAN: SAMPALOC COVERED COURT, SAMPALOC APALIT, PAMPANGAKELAN: BIYERNES (SEPTEMBER 19, 2025)ORAS...
16/09/2025

‼️ 𝐋𝐈𝐁𝐑𝐄𝐍𝐆 𝐂𝐇𝐄𝐒𝐓 𝐗-𝐑𝐀𝐘 ‼️

SAAN: SAMPALOC COVERED COURT, SAMPALOC APALIT, PAMPANGA
KELAN: BIYERNES (SEPTEMBER 19, 2025)
ORAS: 7:30 AM - 12:00 NOON

Sa pakikipagtulungan ng DOH CLCHD at LGU APALIT thru Municipal Health Office and Apalit Rural Health Unit III.

Tayo po ay magkakaroon ng Libreng Chest X-ray para sa mga edad 15 years old pataas at mga sumusunod:

👀 Kasama sa bahay na naggagamott sa baga
🧓🏻 Senior Citizens
🫣 Indigent
🏍️ Miyembro ng TODA
🍫 Diabetic
🚬 Cigarette/Vape Smokers
🫡 BHW/BNS/Brgy. Official
😷 Nakakaranas ng 2 Linggo o higit pa ng ubo, hindi maipaliwanag na lagnat, pamamayat, o pagpapawis sa gabi.
🩷 Maari din tayong tumanggap ng mga nais magpa-x-ray na wala sa kategorya basta sila ay 15 years old pataas.

MAGPALISTA NA SA BHW NA NAKAKASAKOP SA INYONG BARANGAY.

170 slots lang ito, kaya tara na!

See you!

15/09/2025

✨ to be HEALTHY Dahil BER Months Na! ✨

🎉 Kumusta ang progress ng New Year’s Resolution mo?

Dapat consistent tayo sa ating healthy goals!
🍎 Kumain nang wasto
🏃‍♀️kumilos nang husto!

2026 is just 122 days to go!




15/09/2025

❗PROSTATE CANCER, IKATLO SA PINAKA-KARANIWANG CANCER SA MGA KALALAKIHAN❗

Handa ang DOH na magbigay ng tulong sa gamutan at sa iba pang mga serbisyo para sa mga kalalakihang na-diagnose na may Prostate Cancer: https://linktr.ee/DOHCancerSupport

Maging alisto sa mga sintomas ng Prostate Cancer. Kapag may napansing mga sintomas, magpakonsulta kaagad sa pinakamalapit na health center.

Panatilihing malusog ang pangangatawan para mapababa ang tsansa na magkaroon ng kanser!
📌Kumain ng tama! Damihan ang gula at prutas, iwasan ang maaalat at matataba
📌Mag-ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minuto kada araw
📌Huwag manigarilyo at uminom ng alak

Source: Global Cancer Observatory, 2022




Address

Apalit
2016

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when San Vicente Health Center - Apalit, Pampanga posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram