13/01/2026
“Serbisyong Medikal para sa Lahat: Kalusugan ng Bata at Matanda, Pinahahalagahan.”
Enero 13, 2026, matagumpay na isinagawa ang Medical Mission sa Barangay Guiwanon, Argao, Cebu, na inorganisa ng Pamilyang TECSON sa pakikipagtulungan ng PRDP at EPSB (Pedia at IM services) at ng DOH Central Visayas Department of Health Central Visayas Center for Health Development.
Layunin ng medical mission na makapaghatid ng libre at dekalidad na serbisyong pangkalusugan sa komunidad, lalo na sa mga nangangailangan ng agarang konsultasyon at gamutan.
Kabilang sa mga layunin at mithiin nito ang:
(1) pagbibigay ng libreng konsultasyong medikal para sa adult at pediatric patients,
(2) maagang pagtuklas at pamamahala ng mga karaniwang sakit,
(3) pagbibigay ng wastong payong medikal at gamot, at
(4) pagpapalaganap ng kaalaman ukol sa tamang pangangalaga sa kalusugan.
Bilang mga plano sa hinaharap, layunin ng mga katuwang na institusyon at indibidwal na ipagpatuloy ang mga ganitong gawain sa pamamagitan ng regular na medical missions, health education, at preventive programs tulad ng tamang nutrisyon, pagbabakuna, regular na check-up, at malusog na pamumuhay. Sa pamamagitan ng patuloy na pagtutulungan, hangad naming hindi lamang makapagpagamot ng karamdaman kundi higit sa lahat ay makapagsulong ng pag-iwas sa sakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad.
Para sa mga nais tumulong at makibahagi sa aming mga susunod na medical mission bilang sponsor para sa mga gamot, transportasyon, at pagkain, kayo po ay inaanyayahang makipag-ugnayan para sa mga susunod na mga medical mission. Ang inyong suporta ay malaking tulong upang maabot natin ang mga komunidad na malayo at kulang sa akses sa serbisyong pangkalusugan. Sama-sama nating dalhin ang pag-asa at kalusugan sa mas maraming nangangailangan.
👌🏼🫰🏼