09/04/2024
Iba pang kaalaman para sa tamang pagkain at bitamina sa pagbubuntis:
β
I limit ang caffeine intake sa less than 200 milligrams (mg) per day; halimbawa; dalawang tasa ng instant coffee.
β
Ang tsaa at energy drinks ay may caffeine din. Ideally, pwedeng mag switch muna sa decaffeinated. According sa Royal College of OBGYN (RCOG), may mga bagong pag aaral na nagli link sa too much caffeine at low birth weight, miscarriage and stillbirth.
β
Karamihan ng buntis ay hindi kailangan ng extra calories sa unang 6 na buwan ng pagbubuntis. Sa huling 12 weeks lang na kailangan mas marami ang kinakain (extra 200 calories per day = katumbas ng 2 hiwa ng tinapay).
β
Hindi recommended ang pagda diet habang buntis. Mas mainam na magpakonsulta sa dietician o nutritionist.
β
Ang pagkain ng isda ay mainam sa mga buntis, pero ang bagong recommendation ay kumain ng hindi sosobra sa 2 portions ng oily fish, gaya ng mackerel at salmon, per week. Ito ay dahil ang labis na pagkain nito ay maaaring maging source ng mercury na harmful kay baby.
β
Iwasan din na sumobra sa 2 fresh tuna steaks o 4 medium-size cans ng tuna per week. Iwasan din ang swordfish at marlin.
β
I limit din ang pagkain ng atay. Ang atay ay naglalaman ng mataas na levels ng vitamin A. Ang mataas na doses ng vitamin A ay harmful sa pagbuo ng nervous system ni baby.
β
Iwasan ang pagkain ng hilaw na itlog, karne at shellfish upang maiwasan ang Salmonella.
β
Hugasan ang mga gulay at iba pang kakainin sa salad.
β
Iwasan mag handle ng dumi ng pusa upang maiwasan ang Toxoplasmosis.
π°MGA BITAMINA SA PAGBUBUNTISπ°
π
Folic acid - upang maiwasan ang neural tube defects
π
Vitamin D (at least 10 micrograms per day) - lalo na sa mga obese, laging nasa loob ng bahay o opisina, o mahina sa pagkain ng itlog, karne at cereals.
β
Hindi talaga kailangan ng Vitamin C. Kailan ito kailangan? Kapag anemic, dahil nakatutulong ito sa absorption ng ferrous.
β
Hindi kailangan ng labis na Vitamin A. Iwasan ang supplements na naglalaman ng 700 micrograms nito o higit pa. Makakaharm ito sa pagdevelop ng nervous system ni baby.