16/07/2025
đź’ˇ Words to Ponder:
"Ang tunay na yaman ay hindi nakikita sa dami ng pera, kundi sa ginhawang dulot ng malusog na katawan at payapang kalooban."
🌿Reflection:
Madalas nating inuuna ang trabaho, negosyo, at kita — pero nakakalimutan nating alagaan ang ating sarili. Kapag ang katawan ay napagod, at ang isip ay puno ng alalahanin, kahit gaano pa karaming pera ang meron tayo, hindi ito kayang palitan ang ginhawang dulot ng kalusugan at katahimikan ng damdamin.
Paalala ito na pahalagahan ang ating katawan, damdamin, at pananampalataya. Sapagkat ang isang malusog na buhay ay tunay na kayamanang hindi nabibili ng salapi.
🙏 Munting Panalangin:
Panginoon, turuan Mo akong pahalagahan ang buhay at kalusugang ipinagkaloob Mo. Gabayan Mo ako sa bawat araw upang piliin ang kapayapaan, kalinisan ng puso, at tamang pangangalaga sa aking sarili. Amen.