30/07/2025
๐๐ง๐๐๐ค-๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐๐๐ญ ๐ง๐ข ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐๐๐ซ๐ญ๐, ๐๐ฌ๐๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ฆ๐ฉ๐๐ฒ ๐ง๐ ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐ข๐๐๐ ๐๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง! ๐๐ฅ๐ฅค
Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng Buwan ng Nutrisyon, masaya tayong namahagi ang libreng healthy snacks sa mga pasyente (sa OPD at mga ward) at mga kawani ng pagamutan. Ang aktibidad na ito, sa pangunguna ng Nutrition and Dietetics Section at Health Education Promotion Unit, sa gabay ng Chief of Hospital at pakikiisa ng lahat ng empleyado ng ospital, ay matagumpay na naisagawa at naging inspirasyon para sa kalusugan at kagalingan ng bawat isa.
Masarap at masustansiya ang ating mga inihanda:
๐๐ฎ๐ญ๐ซ๐ข ๐๐ฎ๐ซ๐ฅ๐ฌ: Gawa sa natural na sangkap tulad ng bigas at monggo na mataas sa protina, nilangkapan ito ng chocolate flavor sa tulong ng teknolohiya ng DOST-FNRI.
๐๐ฎ๐ข๐๐ ๐๐จ๐ฉ๐ฌ: May refreshing na sangkap na mineral water, kalamansi, honey, malunggay, at asukal.
Mainit at makrema na ๐๐๐ฅ๐๐๐๐ฌ๐ ๐๐จ๐ฎ๐ฉ at ๐๐๐ฅ๐ฎ๐ง๐ ๐ ๐๐ฒ ๐๐ก๐๐๐ฌ๐ ๐๐๐ง๐๐๐ฌ๐๐ฅ: Taglay ng malunggay ang Vitamin A, B, C, iron, calcium, magnesium, at protina. Nagpapalakas ito ng immune system at nakakatulong sa produksyon ng gatas para sa mga nagpapasusong Nanay!
Layon ng gawaing ito na bigyang-diin ang kahalagahan ng pagpili ng mga pagkain na mataas ang nutritional value at ligtas kainin. Binigyan diin din ang adbokasiyang " No to Junk Food" sa mga batang mag aaral sa elementarya.
Lubos ang aming pasasalamat sa suporta at donasyong healthy snacks mula sa ating komunidad:
Kay ๐บ๐๐ ๐ณ๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐ para sa mga snack treats at healthy juice tetra packs.
Kay ๐ด๐๐๐ ๐น๐๐๐ ๐จ๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐
๐๐ at sa mga ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐บ๐ฐ๐ท๐จ๐ฎ ๐จ๐ฝ๐ฎ๐จ sa bigay na kalabasa at iba pang gulay na ginamit para sa napakalinamnam na kalabasa soup.
Sa ๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฌ๐
๐๐๐๐๐๐๐ ๐ผ๐๐๐ para sa mainit at masarap na malunggay cheese pandesal on wheels.
Higit sa lahat, maraming salamat sa walang sawang suporta nina Chief of Hospital ๐จ๐๐๐/๐ซ๐๐ ๐ฑ๐๐ ๐จ๐
๐๐๐๐๐๐๐- ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐; Nutrition and Dietetics Section Head Ms. ๐ซ๐๐๐๐ ๐บ๐๐๐๐๐๐๐, RND at mga kasama; Health Education Promotion Officer (HEPO) Ms. ๐ด๐๐๐๐๐ ๐ด๐๐๐๐๐๐๐, RN; Radtech Sir ๐ฌ๐
๐๐๐ ๐ฌ๐๐๐๐๐๐๐ (para sa mga larawan at dokumentasyon) at sa lahat ng empleyado ng ospital, para sa maging matagumpay ang aktibidad na ito.
Patuloy nating pangalagaan ang ating mga sarili! Mahalagang maging responsable upang manatili tayong malusog na indibidwal, epektibong lingkod-bayan, at tagapagsulong ng isang malusog na bayan at magandang kinabukasan. Ang bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan!
*Ang mga larawan ay inilathala nang may tahasang pahintulot ng at mga pasyente at magulang ng mga bata.