02/04/2025
How Not to Talk to Your Doctor (And What to Say Instead)
(a friendly guide for better healthcare conversations)
โ (nagsend ng picture ng laboratory - walang context)
โ
โDoc, ito po yung results ng laboratory ko. Tanong ko lang po kung kelan ang availability niyo for consultation, ipapabasa ko po sana itoโ
๐กHindi sapat na may lab results lang โ kailangan itong i-connect sa nararamdaman ng pasyente. Kaya mahalaga pa rin ang consultation (interview at/o physical exam) para ma-interpret nang tama ang findings.
โ โDoc, pa-reseta ng antibiotic.โ
โ
โDoc, may ubo po ako. Magpapachek up po sana ako kung anong gamot ang kailangan ko"
๐กHindi lahat ng sakit ay kailangan ng antibiotic. Kung hindi bacterial ang pinanggagalingan, walang effect ang antibiotic. Tignan muna natin kung bacterial ang cause ng inyong sakit - magpa-consult for proper diagnosis and management.
โโDoc, pa-reseta naman ng gamot sa sakit ng dibdib (or any single symptom)โ
โ
โDoc, minsan sumasakit dibdib ko, magpapa-check up po sana akoโ
๐กAng pag-rereseta ng gamot ay hindi lamang based sa iisang symptom. For example, ang sakit sa dibdib ay pwedeng maraming cause - GERD? Heart attack? At magka-iba ang gamot at management dyan.
๐กAng pag-reseta sa gamot ay individualized o natatangi para sa particular na pasyente. Nakadepende sa maraming factors at hindi ito basta-basta. Kailangang ng masinsinang usap sa pasyente para malaman ang maraming bagay tulad ng:
โ Edad
โ Kasarian
โ Disposition noong oras ng konsulta
โ Vital signs
โ Uri ng sakit o karamdaman
โ Iba pang sintomas
โ Mga dati nang nainom na gamot
โ Mga iniinom na gamot sa kasalukuyan
โ Comorbidities o ibang sakit
โ Allergies
โ Physical examination
โ Presyo ng gamot at kakayahan ng pasyente na bilin ito
โ Availability ng gamot
โ โDoc, pahingi ng medcert. Lagay niyo 2 days rest. Palagay nalang Migraine, tapos kahapon yung date โ
โ
โDoc, masama p**iramdam ko mula kahapon. Pwede po ba ako makahingi ng medcert kung kailangan?โ
๐กAng medical certificate ay isang legal document. Kailangan muna naming ma-assess ang kalagayan niyo based sa interview and physical examination para makapag-bigay ng tama na:
- Diagnosis
- Management / Advice / Recommendation
- Days of rest
๐ก Ang date ng medical certificate ay kung kelan kayo nagpa-check up.
โ โDoc, urgent po! Reply asap!โ
โ
โDoc, sorry to bother po. May concern lang ako (write concern), kung kailan po kayo available, okay lang kahit di agad.โ
๐ก Doctors want to help, pero hindi kami available 24/7. Hindi din lahat ng doctor ay tumatanggap ng online consultation. Respectful messages go a long way.
๐กKung emergency ang inyong concern, pumunta na agad sa emergency room para ma-assess agad.
โ "Doc.."..
"Pwede magtanong?" ..
โ
"Good morning doc, tanong ko lang po (insert concern here). Thank you doc."
๐กKapag may context ang message (Anong tanong? Tungkol saan?) mas mabilis at maayos kaming makakasagot.
Hindi din lahat ng doctor ay open for online consultation so check your doctor's consultation availability first.
โ โDoc, p**i reseta nga ng gamot na iniinom ng kapitbahay ko, effective daw eh.โ
โ
โDoc, may narinig po akong gamot na iniinom ng kakilala ko para sa ganito. Pwede po ba ako magtanong kung bagay din siya sa akin?โ
๐ก Iba-iba ang katawan at kalagayan ng tao. Hindi porket effective sa iba, safe na rin saโyo.
๐กPara mabigyan ng tamang gamot, kailangan ng full consultation para makausap kayo nang maayos at mabigyan ng gamot at management na nararapat para sa inyo.
โ (nagsend ng picture ng rash/signs/symptom - walang context)
โ
โDoc, pwede po ba makuha ang schedule niyo for consultation? May napansin po kasi akong rash, ipapacheck up ko po sanaโ (send picture for reference)
๐กHindi sapat ang isang picture para mag-diagnose at makapagbigay ng reseta. Kinakailangan ng full consultation para mabigyan ng tamang diagnosis at gamot.
โ "Doc, pahingi naman ng lab request, yung para sa lahat na, tsaka na ko magpapa-consult pag may result na"
โ
"Doc, gusto ko sana malaman anong mga test ang kailangan ko gawin, kelan po pwede magpa-consult sa inyo?"
๐ก Ang lab request ay hindi basta-basta na parang checklist.
Iba-iba ang tests na kailangan depende sa edad, sintomas, history ng sakit, lifestyle, at goals (halimbawa: annual check-up vs. may nararamdamang kakaiba).
Mas safe, mas sulit, at mas accurate ang lab tests kung may consultation muna para malaman kung alin ang kailangan talaga โ at hindi lang "lahat na."
โค๏ธ Tandaan: Mas nagiging epektibo ang gamutan kung open at malinaw ang usapan sa pagitan ng pasyente at doktor.
Salamat po! ๐