05/05/2026
Mga ka-nutrisyon, alam ba ninyo na maraming katutubong gulay sa ibaโt ibang panig ng bansa ang matagal nang bahagi ng ating pagkain, kultura, at pamumuhay?
Mula sa mga dahon at bungang gulay ng Luzon, sa masasarap na pananim ng Visayas, hanggang sa masustansyang ani ng Mindanaoโipinapakita ng ating mga katutubong gulay ang yaman ng pagkaing Pilipino at ang kahalagahan nito sa ating kalusugan at kultura.
Hindi lamang bahagi ng ating tradisyon ang mga katutubong gulay, kundi mahalagang pinagkukunan din ito ng bitamina, mineral, at fiber na tumutulong sa pagpapanatili ng malusog na katawan, maayos na pagtunaw ng pagkain, at mas balanseng pagkain para sa tamang nutrisyon. Dahil ang mga ito ay locally available at madaling itanim, mas abot-kaya at praktikal din silang ihain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino.
Ngayong Filipino Food Month, ating kilalanin, tangkilikin, at ipagmalaki ang ating mga katutubong gulayโhindi lamang para sa mas masustansyang pagkain, kundi para rin sa pagsuporta sa lokal na ani, pagpapanatili ng ating Filipino food culture and traditions, at pagsusulong ng sustainable food choices para sa lahat.
Para sa mas komprehensibong listahan ng mga katutubong gulay, bisitahin ang website ng DOST-PCAARRD:https://iveg.pcaarrd.dost.gov.ph/crop
Tuklasin din ang mga featured local dishes gamit ang piling katutubong gulay mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao! ๐