
13/08/2025
Good morning po 😊
Kung ang tao ay may battery sa puso (pacemaker o ibang implanted cardiac device), pwede pa rin naman siyang i-massage pero kailangan extra ingat at may ilang bagay na dapat tandaan:
Kausapin muna ang doktor – Pinakamainam na may go signal muna mula sa cardiologist bago mag-massage, lalo na kung may medical device at kondisyon sa puso.
Very soft gentle pressure lang – Tama po yung plano ninyo, iwasan ang matinding diin o deep tissue massage.
Iwasan ang direktang pagdiin sa lugar ng device – Huwag masyado idiin ang balikat o dibdib kung saan nakalagay ang pacemaker/battery.
Dahan-dahan sa upper chest at malapit sa braso – Pwede naman pero mas mabuti kung slow, light strokes lang.
Mag-obserba sa reaksyon – Kung may maramdaman siyang hilo, hirap sa paghinga, sakit sa dibdib, o kakaibang tibok ng puso, agad itigil ang masahe.
Mas safe sa lower body – Madalas okay lang ang soft massage sa binti at paa, pero ingat pa rin kung may fluid retention o varicose veins.
Ang kailangan masahe dito ay pahaplos o short stroke gamit ang thumb.huwag idiin ng maigi gumamit ng light oil o hindi gaano mabango o matapang na amoy para maiwasan ang pagiging sensitibo.pahigain o paupuin ng komportable at huwag padapain.para mkaiwas sa paninikip ng dibdib dahil sa pacemaker o battery.
Ugaliing mg alcohol palagi kapag humahawak ng patient para makaiwas sa nercobio o viruses.
Kung my karagdagang tanong handa akong sumagot.
Maraming salamat..