12/08/2025
✨ BAKIT IBA-IBA pa ang evaluations o assessments? ✨
Madalas na tanong na makita ko ito sa mga groups at parents inquiring for therapy.
Iba-iba ang ginagawang assessment o evaluation ng TEAM of PROFESSIONALS para sa isang batang neurodivergent learner.
Karaniwan na mga DEVPED or Developmental Pediatricians, Educational/CHILD Psychologists at Neurologists ang gumagawa ng unang line of tests para matukoy ang mga areas na may delay or concern ang isang bata. SILA ang may KAKAYAHANG MAGBIGAY NG DIAGNOSIS gaya ng Autism, ADHD, GDD, Down Syndrome, AT MARAMI PANG IBA.
Ang mga Occupational Therapists at Speech Therapists naman ay may IBA AT SARILING evaluation rin na ginagawa para matukoy ang specific at detailed needs ng isang neurodivergent learner. May mga areas na pareho silang shared o sakop gaya na lang ng feeding skills, play skills, social skills at cognitive development pero malaki ang pagkakaiba ng SAKOP na areas nila.
Ang mga legit ABA practitioners at Reading specialists naman ay gumagamit rin ng iba-ibang evaluation tools para makita ang main areas of problem na kailangang tugunan sa therapy o treatment nila.
Maging ang mga paaralan ay may sariling mga evaluation tools at assessment para malaman ang proper at appropriate level/placement at kaukulang special needs support ng isang batang may neurodivergent needs.
Lahat ito ay mahalaga sa pagtukoy ng akma at tamang intervention at support para masigurado ang successful development at maximum potential ng ating neurodivergent learner.
Para sa higit pang impormasyon, SUBSCRIBE to our YOUTUBE CHANNEL - Miss Joie SP