28/05/2025
Philippine College of Physicians
Pahayag sa maling paniniwala ukol sa gatas bilang gamot sa tuberculosis
Sa gitna ng pagkalat ng maling impormasyon tungkol sa diumano'y bisa ng pag-inom ng gatas bilang lunas o proteksyon laban sa tuberculosis (TB), nais linawin ng Philippine College of Physicians (P*P) at ng Philippine College of Chest Physicians (PCCP) Council on Tuberculosis na ang TB ay isang sakit dulot ng bacteria na Mycobacterium tuberculosis. Naipapasa ito sa hangin kapag may ubo o bahing ang taong may TB.
Ang tamang gamutan para sa aktibong TB ay binubuo ng kombinasyon ng apat na pangunahing gamot: (isoniazid, rifampin, pyrazinamide at ethambutol) na kailangang inumin sa loob ng anim (6) na buwan. Bagamat natutulong ang gatas sa kalusugan ng buto, hindi ito sapat o pamalit sa gamot sa TB.
Kapag hindi agad ginamot ang TB, maari itong lumala, kumalat sa ibang bahagi ng katawan, makahawa sa iba, at maaring maging sanhi ng kamatayan.