09/03/2022
https://www.facebook.com/100053138751207/posts/525862765861677/
18 PAGKAING PAMPAPAYAT AT 7 NAKATATABA
By Dr. Willie T. Ong (Please Share)
Itong 18 pagkain ang mas dapat kainin ng mga taong nagdi-diyeta. Dahil mababa ito sa calories at masustansya pa. Mas mabubusog ka pa.
1. Gulay at ensalada. Mataas sa fiber ang gulay at nakabubusog.
2. Suha at grapefruit. May taglay na acid na naka¬babagal ng digestion.
3. Mansanas. May pectin na nakabababa ng kolesterol.
4. Peras. Mas mayaman pa sa fiber kumpara sa mansanas.
5. Itlog. Magandang almusal at nakabubusog.
6. Saging. Masustansya at may tulong sa mga may ulcer at nag-e-ehersisyo.
7. Beans. Mayaman sa protina at bitamina.
8. S**a. Ang pag-inom ng isang basong tubig na may 2 kutsaritang s**a bago kumain ay nakapapayat. Mag-ingat lang kung ika’y hyper-acidic.
9. Tofu at tokwa. Mabuti ito sa ating puso at buto.
10. Green tea. Nakababawas ng taba sa atay (fatty liver).
11. Brown rice at wheat bread. Makaiiwas tayo sa diabetes, ayon sa Harvard School of Public Health.
12. High-fiber cereals. Mas healthy sa katawan at nakapapayat din.
13. Matatabang isda tulad ng tilapia, sardinas, mackerel at salmon.
14. Low-fat milk at yogurt. Mas mababa sa taba kumpara sa regular na gatas.
15. Oatmeal. Nakabababa ng kolesterol sa katawan.
16. Manok at turkey na walang balat. Pinakamababa ito sa taba, kumpara sa karne.
17. Laman ng karne pa¬ minsan-minsan. Tanggalin ang lahat ng taba sa kar-neng baboy at baka bago lutuin.
18. Tubig. Ang pag- inom ng tubig bago kuma-in ay nakabubusog. Ang tubig ay walang calories at hindi nakatataba.
Heto naman ang listahan ng 7 pagkaing nakatataba na dapat natin limitahan. Bawasan ang pagkain nito para makaiwas sa sakit.
1. Pritong pagkain (fried foods) dahil mataas ito sa taba at mantika.
2. Donuts at pastries dahil mataas sa calories at as**al.
3. Candy, chocolate at mga matatamis. Mataas ito sa as**al at calories.
4. Matatamis na juices at soft drinks, dahil mataas ito sa as**al. Uminom na lang ng tubig na walang calories. Puwede rin ang mainit na tsaa.
5. Potato chips dahil sa sangkap na asin at mantika.
6. Bacon, hot dogs at sausage dahil may halo itong taba at preservatives.
7. Hamburgers dahil mataas sa taba.
Diet Tips: Subukang kumain ng 5 o 6 beses sa isang araw pero pakonti-konti lamang. Ang isang mansanas o saging ay puwedeng meryenda na. Kasama ang regular na pag-eehersisyo, piliin natin ang mga nasabing 18 healthy foods. Good luck