16/07/2024
■ HULYO 16, 2020 | MAHAL NA BIRHEN NG BUNDOK NG CARMELO O NUESTRA SEÑORA DEL CARMEN
“Ang sinumang papanaw na suot itong eskapularyo ay hindi maghihirap sa walang hanggang apoy. Ito ay tanda ng kaligtasan sa lahat ng mga panganib, pangako ng kapayapaan at pakikipagtipan.”
■ PAGPAPAKITA:
Noong 1251, nanalangin si Simon Stock sa Mahal na Birhen upang humingi ng lunas sa mga suliranin ng kanilang Orden. Nagpakita ang Mahal na Birhen sa kaniya at ibinigay ang eskapularyo ng Carmen (Scapular of Our Lady of Mt. Carmel). Aniya, “Tanggapin mo, anak kong mahal, itong eskapularyo ng aking orden. Ito ay isang katangi-tangi tanda ng kaligtasan, isang pananggalang sa sandali ng panganib at isang patotoo ng tanging biyaya at pag-iingat.” Lumaganap ang pamimintuho sa Birhen del Carmen noong taong 1726 sa kautusan ni Papa Benito XIII.
■ PANALANGIN:
Santa Maria, Mahal na Birhen ng bundok ng Carmelo,
nagpakita ka kay San Simon Stock upang gabayan kami sa aming paglalakbay sa lupa at bigyan ng pag-asa sa aming buhay lalo na sa oras ng paghihirap at tiisin. Inihahandog namin sa iyo ang aming sarili at kalooban. Pagpalain mo at gabayan ang aming mahal sa buhay, pamilya, at bayan. Itinataas namin sa iyong pamamagitan ang aming saya at kalungkutan, tagumpay at kabiguan, kasaganaan at kahirapan, kalusugan at karamdaman. Maialay nawa ito sa iyong anak na si Hesus upang magkamit para sa amin ng mga pagpapala.
Isinasamo namin, O katamis-tamisang Ina, na lagi mo kaming samahan. (Banggitin ang kahilingan) Huwag mo kaming iiwan at pababayaan lalo na sa panahon ng pagsubok at kapighatian. Sa sandali ng aming kamatayan pangunahan mo kami sa iyong Anak na si Hesus na aming Panginoon at kaligtasan. Amen.
*****
Bisitahin at i-like ang Official page ng Parokya!
facebook.com/SanJuanNepomucenoParishChurch
̃oradelCarmen
- One with Tata Juan