Barangay Molino II

Barangay Molino II Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Barangay Molino II, Barangay Molino II, Bacoor.

20/06/2025

Share po natin ito

14/06/2025
09/06/2025

Announcement🗣️🗣️🗣️

Sa darating na June 11, 2025 Wednesday 9am to 4pm
BRGY. MOLINO II MAIN OFFICE

Pupunta po ang ating Cswd Para sa Application ng Phil health para sa New Application and Updating!!!!

18 years old to 59 years OLD ang pwede mag apply or Update
EXCEPT Senior Citizens, Pwd and 4ps Member ang hindi pwede sa nabanggit as per Cswd.

Requirements for:

1. UPDATING

Phil health ID (Kung wala 1 Valid ID)
(Bacoor Address & hindi expired)

Dependents Requirements

Marriage Contract ( if married)
Birth Certificate ng mga anak ages 21 years old below

2. New Registration of Application

Birth certificate or Baptismal
2 VALID ID (Bacoor address & hindi expired)

(pag wala pong Birth certificate or Baptismal 2 VALID Id's na lang)

Dependents Requirements

Marriage Contract ( if married)
Birth certificate ng mga anak ages 21 years old below.

Again, Hindi po kasali sa pwedeng mag apply sa June 11 ang Senior Citizens, Pwd at 4ps members.

Maraming Salamat

13/03/2025

What : KALINGA SA PWD PAYOUT @ STRIKE GYMNASIUM BACOOR CITYHALL

Who:
*PWD na may hawak ng Stub

When:

March 15,2025
Saturday
2:00PM

PAALALA : Ito Po ay pay- out para sa may hawak lamang Ng stubs.

Salamat po

Address

Barangay Molino II
Bacoor
4102

Telephone

+63464771539

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Molino II posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Ang Pinagmulan ng Barangay Molino II

Ayon sa mga sinauna o lehitimong residente ng Molino, ang ibig sabihin ng salitang “Molino” ay gilingan ng palay, mais at katasan ng tubo o asukal, Ito ay yari sa malaking bato at ito ay hinihila paikot-ikot ng isang kalabaw upang gilingin ang mga ito. Di nga bat ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao dito ay pagsasaka sa kanya kanyang malawak na bukirin at sa tila gubat na lupain. Sa malawak na lupain ng Molino ay mamamasdan ang dami ng mga punong hitik sa mga bunga. ayon parin sa mga ito, ang mga ilog at batis na nag silbing laruan nung kanilang kabataan ay walang kasing linis at dalisay ang minsang tahimik at tulog na Pamayanan ng Molino.

Ang Barangay Molino noon ay isang malawak na lupain pang agrikultura, Ang mga pangunahing produkto ay ang palay, mga gulay katulad ng petsay, sili, pipino at mangga. Nang lumaon ay unti-unting nagsulputang parang kabute ang mga kabahayan na nagbigay daan sa pagkakaroon ng mga pamayanan, na kinabibilangan ng mga subdibisyon na sa kalaunan ay nagkaroon na rin ang ibat ibang bahay kalakalan at negosyo.

Ang Barangay Molino ay humigit kumulang labing-limang (15) kilometro mula sa kabayanan ng Bacoor, ito ay napapalibutan ng mga sumusunod na barangay:

Hilaga (North) : Barangay Molino I, Molino VI, Bayanan