04/11/2022
Read before you like
Inspiration for all members of Aim Global.
Alam mo ba yung kwento or buhay ni Colonel Sanders aka Mr. KFC. (founder of Kentucky Fried Chicken)?
Kung hindi mo pa alam yung istorya, Ganito yun…
Si Mr. Sanders ay very passionate na ishare, at ipatikim sa mga tao ang naimbento n’yang chicken recipe. Malamang nakatikim ka na rin ng kanyang very famous na “Finger Lickin Good” chicken!
Dahil sa PASSION n’ya na maipatikim sa maraming tao ang kanyang recipe… nung 60 years old s’ya, nilibot n’ya ang buong Amerika.
Nagbahay-bahay s’ya at kumatok sa mga restaurants para i-demo sa mga restaurant owners ang kanyang naimbentong friend chicken recipe.
Nagluluto s’ya ng fried chicken sa harap ng mga may ari, tapos ang deal n’ya kung magugustuhan nila yung recipe, papayagan si Mr. Sanders na ibenta nung restaurant yung chicken recipe n’ya, tapos may percent lang s’ya na makukuha kada fried chicken na mabebenta.
Pero ang masaklap… Puros rejection ang nakuha n’ya. Hindi interesado yung mga nakakausap n’ya.
Alam mo ba na umabot ng hanggang 1009 na restaurant owners yung nag-reject at tumanggi sa offer at sa recipe n’ya?
Ouch! 1009 na REJECTIONS! GRABE ang saklap nun!
Malamang yung ibang tao, pang 20 rejections pa lang ay quit na kagad.
Pero si Mr. Sanders…
Hindi option sa kanya ang mag-quit.
Hindi option sa kanya ang mag-give up.
Kaya nagtuloy-tuloy lang s’ya.
At nung makausap n’ya yung pang-1010 na restaurant owner, yun lang ang nag-YES at pumayag na makipag partner sa kanya!
And the rest is history.
Lagi akong nainspire sa istorya na ‘to…
Tingin mo, may KFC kaya ngayon kung naging option kay Mr. Sanders ang mag-quit nung makaranas s’ya ng sandamukal na rejections at failure?
Hindi sana nakakapag-generate ng 20 Billions Dollars + of sales every year ang KFC… kung una, pangalawang rejection pa lang sa kanya ay huminto na sya.
Buti na lang hindi n’ya pinili na mag-quit at mag-give up.
Kaya ikaw, kung nakakaranas ka ng kahit anong challenges sa business mo, rejections man yan, learning curve, etc. wag kang hihinto… wag ka mag-give up basta-basta.
Ang gawin mo, punta ka sa KFC, order ka ng fried chicken, tapos alalahanin mo yung inspiring story ni Mr. Sanders habang kumakain ng finger lickin good chicken! OK?
How to guarantee your success?
It’s very simple… DON’T GIVE UP!