01/07/2025
‘FIRST TIME NI MOMMY MANGANAK SA GBHC PERO PARANG DI NA UULIT ‘TO’
LMP: Sept 12, 2025
EDD: June 19, 2025
EDD via Ultrasound: June 16, 2025
Regular patient namin si ma’am sobra sipag niya magpa check-up lagi on time walang palya, pero parang nahiyang lumaki ang tiyan 🥹 June 19 hindi pa rin nanganganak, sabi ko kapag hindi pa nanganak ng June 26 (41 weeks) magbigay na ako referral sa ospital na siya maaring manganak, nakakalungkot pero ganon talaga may limit kasi talaga ako hnggang dun lang ayoko ng ipilit mahirap pag malapit na mag 42 weeks.
June 26 follow up ni ma’am ayun na din sana yung dapat manganak na siya o may sign man lang pero wala talaga, nagbigay na ko referral sabi ko pa check-up na siya ospital at kung admitin man siya mas ok para makaraos na kasi 41 weeks na nga.
Walang tampo tampo tinanggap mo yung referral na akala natin last na pagkikita na natin 😊 ang bait talaga ni Lord.
Kinabukasan akala ko iaupdate mo nalang ako pag nanganak ka na pero ibang update yung nangyare may bloody show na at sumasakit na nastress ka ata sa referral slip na binigay ko ma’am. Grabe yung pananalig natin na talagang dapat dito ka at salamat din po sa inyo ni Sir na lagi naniniwala sa mga health teaching namin, na wag matakot, makakaraos ka din, dasal lang. Salamat at hindi nanaig sa inyo yung takot
June 27, nairaos mo ma’am ang galing mo kita ko yung effort mo, hirap, iba ka. Full force nandiyan si mother at husband sa tabi mo, tatlo na rin kaming humawak sayo wala eh lahat tayo pagod na hahahaha
Thank you Lord, marami man kami nahawakan na ganito kahirap manganak hindi mo kami nilalagay sa alanganin laging safe ang mag-ina. Maraming Salamat ☝️