17/11/2022
INGAT SA GCASH!
Someone with the number 09666196641 called. Male voice. Sabi niya, someone is trying to hack my gcash account. Magaling siya magsalita.
Meron raw nagwiwithdraw using my gcash account earlier to pay for KKB (a gcash service. Split payment among gcash users), 3x raw earlier.
-------------------
Sabi ko, wala akong pinapadalhan. At hindi ako yun. Kaya icacancel na lang raw niya, kasi meron raw nagrerequest ng pera sa gcash ko under the name Jade Pachoco. He asked me kung nareceive ko ang text message. The moment na sinasabi niya sa akin about sa may nagrerequest ng pera, dun pa lang ako nakareceive ng text.
Text messege sent from Gcash (time 11:36 am):
Hello there! Just a reminder to send P5000.00 to JADE PACHOCO! To review Request Money requests, go to "Send Money" dashboard then click on "Request Money".
Nagtataka ako bakit now ko lang nareceive yung request money 😅 Nag-iisip rin ako kung ano ang kinalaman ng KKB sa request money. Pero hindi ko na tinanong.
Then sabi niya, icacancel na raw niya. So ayun na nga, nakareceive ako ng another rext from gcash, time 11:38 am:
Hi! The request from JADE PACHOCO for P5000.00 has been cancelled.
---------------------
Then he asked kung naalala ko ba yung last transaction ko. Sabi ko yesterday sa lalamove. How much natira, sabi ko limot pero less than 1k php. Kung saan ko raw ginagami ang gcash, kung sa business or personal, sabi ko same.
Then sabi niya, wait lang raw. Ako naman si hintay. Hindi ko pa naisip na baka scammer kausap ko kaya naghintay ako.
---------------------
He ask me kung may GLoan ako. Sabi ko wala. Pinapaopen niya sa akin. Ask ko bakit. Open ko raw, so open ko. Magloan raw ako.
Let's get started. Next. Next.
Then pagkapasok ko sa screen kung saan puede na ako magloan, tinanong ko siya ulit kung bakit ko need buksan at magloan sa gcash kasinhibdi naman ako magloloan.
Then wait lang raw ulit.
-----------------
Later, he hung up.
************************
So, para maniwala ako sa kanya, nagrequest money siya under the name of Jade Pachoco. Then icacancel rin niya. And the text messages were sent under the Gcash official number. Siyempre sa Gcash app lilitaw rin yung request at pagcancel.
Then dun na siya magstart mangscam. Since walang laman ang account ko, pinagloloan niya ako.