11/11/2025
π©·
Kamakailan, may lumaganap na post sa social media na nagsasabing delikado ang mammography dahil sa radiation exposure, ito raw ay masakit at nagdudulot ng pinsala sa suso, madalas magbigay ng maling resulta (false positive), magastos, at maaaring makasira ng cyst o tumor sa mga nagpapasuso.
Bilang mga propesyonal na lipunang may tungkuling pangalagaan ang kalusugan at tiwala ng mga kababaihang Pilipina, inilalabas namin ang pahayag na ito upang itama ang maling impormasyon, patunayan ang siyentipikong ebidensya, at itaguyod ang wastong pag-unawa sa breast cancer screening.