21/11/2025
Baka nalito lang sya sa AI. Madalas kasi magkaroon ng inconsistencies ang AI.
1) As a doctor, I must point out that fried chicken and clean bulk do NOT belong in one sentence.
This post is misleading especially for newbies.
2) AI can generate a lot of errors if used improperly.
*Simply put, ang clean bulking ay pagkain ng masusustansyang pagkain sa puntong nasusuportahan mo ang gains mo plus more. At dahil *clean*, malilimitahan mo ang pagtaba mo. Kasi nga, understood na kung bulking phase, tataba ka nang bahagya. Clean: lean meats (protein) at high-quality sources of carbs and fats. Yung manok, tinanggalan mo ng balat at niluto mo sa oven with olive oil at rosemary—hindi fried.
Kung dirty bulking naman, kumbaga extension na yan ng cheat day. Dirty. Maraming kasamang hindi essential—kahit anong source mo ng macros mo kumbaga pwede. Halimbawa: yung manok, kinain mo nang buo—fried man or hindi—sinawsaw mo pa sa Mang Tomas.