
22/09/2025
September is Generic Medicine Awareness Monthđź’Š
Ang Republic Act No. 6675, na kilala rin bilang "The Generics Act of 1988", ay naglalayong isulong ang paggamit ng mga generic na gamot bilang LIGTAS, EPEKTIBO, at DE-KALIDAD na alternatibo sa brand-name na mga gamot.
Paalala: Upang makasigurado na ligtas, epektibo, at de-kalidad ang mga gamot na bibilhin, ugaliing bumili sa mga botika na rehistrado at aprobado ng Food and Drug Administration (FDA) upang makasigurado na ang mga gamot ay lehitimo at nasa tamang kundisyon.