30/11/2025
๐๐ธ๐ฎ-๐น๐ฎ๐ฏ๐ถ๐บ๐ฝ๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐.๐.๐.๐ข.๐ .
(๐๐ฒ๐ฎ๐น๐๐ต ๐๐ป๐ถ๐๐ถ๐ฎ๐๐ถ๐๐ฒ ๐ฎ๐ป๐ฑ
๐๐ผ๐ฐ๐ฎ๐น ๐ข๐๐๐ฟ๐ฒ๐ฎ๐ฐ๐ต ๐ ๐ถ๐๐๐ถ๐ผ๐ป)
๐๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป, ๐๐ฒ๐ฟ๐บ๐ผ๐๐ฎ, ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ฎ๐ป
๐๐ธ๐ฎ-๐ฏ๐ฌ ๐ป๐ด ๐ก๐ผ๐ฏ๐๐ฒ๐บ๐ฏ๐ฟ๐ฒ, ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
Part II
Ikinalulugod naming ibahagi ang matagumpay na pagdaraos ng ikalabimpitong Health Initiative and Local Outreach Mission (H.I.L.O.M.) na ginanap kahapon ika-30 ng Nobyembre 2025 sa Bamban, Hermosa, Bataan. Ang nasabing aktibidad ay naging daan upang makapaghatid ng makabuluhang serbisyong medikal sa mga katutubong Aeta sa nasabing komunidad.
Sa pakikipagtulungan ng Bataan Medical Society - isang kasaping samahan ng Philippine Medical Association at Heartbeats of HOPE ng The J.O.S.E.P.H. Initiative, isang programa mula sa Bataan St. Joseph Hospital & Medical Center Corp, nakapagbigay tayo ng libreng medikal na konsultasyon at gamot sa kabuuang 53 na katutubong Aeta. Kabilang dito ang 17 na matatanda, 36 na kabataan. Ang programang ito ay naglalayong mapataas ang kamalayang pangkalusugan at mapabuti ang kalagayan ng mga miyembrong makakatanggap ng serbisyo.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Donate-A-Doll Initiative na naging katuwang namin sa paghahatid ng kasiyahan at mga regalong naglalaman ng pagkain, laruan, hygiene kits at gamit pang-eskwela, na buwan-buwang naihahatid di lamang sa mga kabataang katutubo, maging sa mga matatanda.
Nais din po naming magpasalamat sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Bataan Inc. sa buwan-buwan nilang paghahandog ng Transportation Service para sa mga volunteers ng HILOM. Maraming salamat po Dr. Glenn Bautista na syang nakipag ugnayan sa inisyatibong ito.
Ipinararating din po namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa buong komunidad ng Bamban, partikular kina:
Ms. Lo**ta Valdez - IPMR
Ms. Linen Castillo Chieftain
sa kanilang suporta at pagtulong.
Dalangin namin na patuloy na magtagumpay ang mga programang tulad nito na nagsisilbing sandigan at bukal ng pagmamalasakit sa ating mga kababayan.
Higit pa rito, nakikiisa kaming magpasalamat sa lahat ng volunteers na naglaan ng oras at serbisyo:
Volunteer Doctors mula sa
Bataan Medical Society:
Dr. Jose Christopher Custodio
HILOM Doctor:
Dr. Irma Claire Bautista
Mga volunteer nurses:
Ms. Clarel Jane Corpuz
Ms. April Joy De Guzman-Fernandez
Mr. Mark Garcia
Ms. Lesly Ann Valdez
Mr. Jasper Trinidad
Ms. Danella Padua
Ms. Maria Soledad Lamira
Mr. Gerard de Guzman
Mga volunteer pharmacists:
Ms. Rio Saldaรฑa
Diocesan Social Action:
Ms. Sharolyn Sy
Mr. Anthony Sy
Iba pang mga volunteers:
Dr. Glenn Bautista
Ms. Eden Delanda
Kasapi ng CDSJ Core Group:
Mr. Gerard De Guzman
Ms. Rio Saldaรฑa
Sa pagtutulungan ng bawat isa, nawa ay magpatuloy ang ating layuning maghatid ng mabisang serbisyo at pagmamalasakit sa mas malawak na komunidad. Maraming salamat sa walang sawang suporta at pagtatalaga ng oras upang maisakatuparan ang misyon ng H.I.L.O.M. ng Clinica Diocesano de San Jose sa ilalim ng pamumuno ng Diyosesis ng Balanga.
โช๐ฅโ๏ธโฐ๏ธ๐ณ