RHU BALER

RHU BALER Medical/Health

25/08/2025
Tayo naman sa mga susunod na araw. Antabayanan lang ang schedule ng pagbabakuna sa inyong pambublikong paaralan.
01/08/2025

Tayo naman sa mga susunod na araw. Antabayanan lang ang schedule ng pagbabakuna sa inyong pambublikong paaralan.

📣 Isang tulog na lang! 🩺💉Simula na bukas ang Bakuna Eskwela o School-Based Immunization Program sa ating bayan! Layunin ...
31/07/2025

📣 Isang tulog na lang! 🩺💉
Simula na bukas ang Bakuna Eskwela o School-Based Immunization Program sa ating bayan! Layunin nitong maprotektahan ang ating mga kabataan laban sa mga sakit gaya ng tigdas, tetano, human papiloma virus at iba pa.

🎒👧🧒 Antabayanan ang iskedyul ng pagbabakuna sa inyong paaralan. Huwag kalimutang dalhin ang parental consent form.

📌 Maging handa, magpabakuna, at manatiling malusog para sa kinabukasan!




During the Municipal Nutrition MonthCelebration 2025Local Government Unit of Baler
31/07/2025

During the Municipal Nutrition Month
Celebration 2025

Local Government Unit of Baler

Photo after passing my practicum 😊Dr. Jessica Leaño Gaoat, MD, FPOGS, FPCSMO IV, Family Planning Section Head, Dr PJGMRM...
24/07/2025

Photo after passing my practicum 😊

Dr. Jessica Leaño Gaoat, MD, FPOGS, FPCS
MO IV, Family Planning Section Head, Dr PJGMRMC
Dr Arlene Arriola, MD, FPOGS
MO IV
Dr Paula Cabanag , MD, FPOGS
MO IV
Dr Janice Lopez, MD, POGS Junior Member
MO IV
Bernadette P. Solidum, RN
Dr PJGMRMC, Family Planning Nurse, Nurse Supervisor I

The RHU Baler is now ready to accept clients for PSI (Progestin Subdermal Implant).
See you and have a good family planning 😊

🩺📚 BAKUNA ESKWELA 2025 📚🩺Mga magulang, tagapag-alaga, at mga katuwang sa kalusugan—panahon na para protektahan ang ating...
18/07/2025

🩺📚 BAKUNA ESKWELA 2025 📚🩺
Mga magulang, tagapag-alaga, at mga katuwang sa kalusugan—panahon na para protektahan ang ating mga anak!

Ngayong Agosto 2025, isasagawa na ang Bakuna Eskwela, isang school-based immunization program ng DOH at DepEd katuwang ang RHU BALER na layuning bigyan ng bakuna laban sa tigdas, rubella, tetanus, diphtheria, at cervical cancer ang mga mag-aaral sa Grade 1, Grade 7 at Grade 4 sa pampublikong paaralan.

💉 Ang pagbabakuna ay ligtas, libre, at epektibong proteksyon para sa mas malusog na kinabukasan ng ating mga kabataan.

✅ Suportahan natin ang Bakuna Eskwela! Sama-sama nating pangalagaan ang kalusugan ng bawat batang Pilipino.

06/07/2025
Salamat po at magiging maliwanag na ang harap ng aming RHU - Baler dahil sa solar light na bigay ng Sangguniang Barangay...
02/07/2025

Salamat po at magiging maliwanag na ang harap ng aming RHU - Baler dahil sa solar light na bigay ng Sangguniang Barangay ng Suklayin sa pangunguna ni Punong Barangay Antonio Mata at sa aming masipag at ever supportive na Konsehal, Konsehal Marlon Bello Papica ganun din sa masisipag naming watchman na sina sir Jerome Lozano at sir Eric Buenconsejo ...God bless po sa inyong lahat.

From the original post of Lhen Val Montes

📢 Opisyal nang sinimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2025! 🇵🇭🍽️Ngayong Hulyo 1, kasabay ng Flag Ceremony ng at...
02/07/2025

📢 Opisyal nang sinimulan ang pagdiriwang ng Buwan ng Nutrisyon 2025! 🇵🇭🍽️

Ngayong Hulyo 1, kasabay ng Flag Ceremony ng ating lokal na pamahalaan, isinagawa ang sabay-sabay na paglalagay ng mga streamer na may temang:
"Food at Nutrition Security, Maging Priority. Sapat na Pagkain, Karapatan Natin."

Sa bawat barangay, sabay-sabay nating ipinapahayag na ang tamang nutrisyon at sapat na pagkain ay hindi pribilehiyo, kundi karapatang pantao. 🙌

Bilang mga tagapagtaguyod ng kalusugan, kasama kami sa pagsusulong ng malusog, masustansya, at ligtas na pamumuhay para sa lahat.

💚 Sama-sama nating gawing prioridad ang nutrisyon!

MPOX Update ( Jan 1 – May 30, 2025)✅ 1 confirmed case – now fully recovered🕵️‍♂️ 5 suspected cases – already isolated an...
30/05/2025

MPOX Update ( Jan 1 – May 30, 2025)

✅ 1 confirmed case – now fully recovered

🕵️‍♂️ 5 suspected cases – already isolated and under monitoring while awaiting confirmation.

TANDAAN PO NATIN: ang tamang kaalaman at pag-iingat ay susi sa pagpapababa ng panganib ng pagkakahawa.

Maging alerto po at pangalagaan ang kalusugan!

Hinihikayat po namin ang bawat isa na manatiling mahinahon, umiwas sa maling impormasyon, maging maingat, at huwag mahiyang mag-report ng anumang sintomas o kahina-hinalang kaso.

Tinitiyak po namin ang mas pinaigting na koordinasyon at agarang aksyon para sa kaligtasan ng publiko.

Ang Provincial Health Office ng Aurora, at ang Department of Health (DOH), katuwang ang bawat munisipyo po natin, ay patuloy na nagtutulungan upang mapigilan ang pagkalat ng Mpox.

Muli po, maging mapanuri, sundin ang itinakdang health protocols, at suportahan ang mga hakbangin ng pamahalaan para sa isang mas ligtas at malusog na komunidad.
Sama-sama po nating protektahan ang ating kalusugan!💪🧼







📢 Mga inpormasyon tungkol sa MONKEYPOX! 🏥May naiulat na mga bagong kaso ng Monkeypox sa ating karatig na lugar. 🦠Panatil...
28/05/2025

📢 Mga inpormasyon tungkol sa MONKEYPOX! 🏥

May naiulat na mga bagong kaso ng Monkeypox sa ating karatig na lugar. 🦠
Panatilihing ligtas ang inyong sarili at pamilya sa pamamagitan ng:

✅ Paghuhugas ng kamay nang madalas
✅ Pag-iwas sa close contact sa may sintomas tulad ng pantal, lagnat, at pananakit ng katawan
✅ Agarang pagpapatingin sa health center kung may nararamdamang kakaiba

📍Kung may sintomas, huwag mag-atubiling kumonsulta. Mas maagang aksyon, mas ligtas tayong lahat!
💙

🚦 Road Safety Month 🛣️Kaligtasan sa kalsada, responsibilidad nating lahat!Ngayong buwan, paalalahanan natin ang bawat is...
09/05/2025

🚦 Road Safety Month 🛣️
Kaligtasan sa kalsada, responsibilidad nating lahat!
Ngayong buwan, paalalahanan natin ang bawat isa na maging maingat sa daan—bilang motorista, pasahero, at pedestrian.

✔️ Magsuot ng seatbelt
✔️ Iwasan ang paggamit ng cellphone habang nagmamaneho
✔️ Sumunod sa batas-trapiko
✔️ Maging alerto at magbigay galang sa kapwa

Sa simpleng pag-iingat, maraming buhay ang maaaring maligtas. Dahil hinde ka driver lang, ikaw ay kaibigan, magulang at anak.

Address

Baler
3200

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when RHU BALER posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to RHU BALER:

Share