Hannah's Pharmacy

Hannah's Pharmacy Hannah’s Pharmacy is the brand name of Hannah’s Global Health Pharmacy, a DTI-registered community pharmacy.

06/05/2026

Moving day! Grabe ang pasasalamat namin sa Diyos sa panibagong chapter na ito para sa aming munting negosyo. Step by step, crate by crate... Papunta na tayo sa mas malaking puwang para sa inyong kalusugan.

Kita-kits sa New Bangar Public Market!

Salamat din kay kuya Boks sa sipag!

27/04/2026

Masakit ang tuhod? Hindi ibig sabihin pare-pareho na ang gamot na kailangan mo.

Ang diclofenac at ibuprofen ay para sa pain at pamamaga, habang ang glucosamine ay ginagamit para sa joint support-pero hindi ito instant at hindi pare-pareho ang epekto sa lahat.

Alamin muna ang sanhi bago basta uminom


22/04/2026

Hindi lahat ng success story, nagsisimula sa matataas na grade. 😅

Alam niyo ba na noong college, bumagsak ako sa isang subject under Sir Lester? Pero kahit ganoon, hindi nawala ang respeto ko sa kanya dahil alam ko kung gaano siya kahusay sa larangan ng Pharmacy.

Kaya naman sobrang special ng moment na ito... nakita ko ang panganay ko na natututo naman mula sa kanya sa isang Scented Candle Workshop. Nakakatuwang isipin na dalawang henerasyon na ng pamilya namin ang naging estudyante niya!

Sir Lester, salamat sa pag-inspire sa akin noon (kahit naging challenging!), at sa pag-inspire sa anak ko ngayon. Proud to carry the lessons I learned into our pharmacy! ❤️

22/03/2026

Hindi pare-pareho ang gamot sa sore throat.

• Lozenges – soothing habang natutunaw
• Throat spray – direct at targeted ang effect
• Gargle – tumutulong maglinis ng throat

Depende sa symptoms at preference mo kung alin ang mas effective.







21/03/2026

Health tip 💙

Hindi basta candy ang lozenges.

Ito ay dahan-dahang tinutunaw sa bibig para direktang makatulong sa sore throat at ubo.
May ibang may antiseptic at may iba namang cough suppressant.

Important reminders:
✔️ Huwag nguyain o lunukin agad
✔️ Hayaan itong matunaw para effective
✔️ Mag-ingat sa bata (choking hazard)

For proper guidance, visit Hannah’s Pharmacy.








09/03/2026

Kapag may rashes ang bata, huwag agad gumamit ng steroid cream.

May mga rashes na fungal o viral na maaaring lumala kapag mali ang cream na ginamit.

Mahalagang malaman muna ang cause bago mag-apply ng gamot.

For guidance, visit Hannah’s Pharmacy.







09/03/2026

Health tip for parents 💙

Sa mga batang may diarrhea, may role din ang zinc supplementation.
Nakakatulong ito na mapabilis ang recovery at mabawasan ang duration ng pagtatae.

Pero mahalaga na:
✔️ Tama ang dose ayon sa edad
✔️ May proper advice bago magbigay

Visit Hannah’s Pharmacy for guidance.






06/03/2026

Important reminder po sa parents 👨‍👩‍👧

Hindi lahat ng ubo kailangan ng nebulizer.
Ginagamit lamang ito sa specific conditions tulad ng wheezing o asthma.

Kapag ginamit nang walang proper advice, maaaring ma-delay ang tamang treatment.

For proper guidance, visit Hannah’s Pharmacy.








05/03/2026

Moms and Dads, reminder po 💙

Kapag nagtatae ang bata, hindi juice ang first choice.

ORS helps replace lost fluids and electrolytes safely. Siguraduhing tama ang paghahalo para effective.

Available at Hannah’s Pharmacy.

Message us for inquiries.







04/03/2026

Huwag ihalo ang gamot sa buong bote ng gatas o juice.

Kapag hindi naubos ng bata, hindi mo alam kung gaano karami ang nainom niya.
Resulta? Kulang ang dose at pwedeng hindi gumaling.

Mas ok ihalo sa maliit na amount lang at siguraduhing mauubos bago ibigay ang natitirang pagkain o inumin.

Kung may tanong sa tamang pagbigay ng gamot sa bata, magtanong sa pharmacist.








03/03/2026

Reminder sa mga moms: huwag gumamit ng ordinary kitchen spoon sa syrup ng bata.

Hindi pare-pareho ang size ng kutsara sa bahay kaya pwedeng kulang o sobra ang dose.
Sa bata, maliit lang ang pagitan ng tamang dose at overdose.

Mas safe gamitin ang measuring spoon o oral syringe na kasama sa gamot para siguradong tama ang dose.










27/02/2026

Napansin mo ba yung maliit na parang silica gel sa loob ng bote ng gamot?

Hindi ito candy at hindi rin iniinom.
Ito ay moisture absorber para protektahan ang gamot laban sa humidity.

Kapag tinanggal mo ito, mas mabilis ma-expose sa moisture ang gamot at pwedeng maapektuhan ang quality.

Simple reminder: huwag agad itapon kung hindi pa ubos ang gamot.

Kung may tanong sa storage, magtanong sa pharmacist.








Address

San Pedro Street
Bangar
2519

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Hannah's Pharmacy posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share