MAKABayan Pharmacy and Medical Supplies

  • Home
  • MAKABayan Pharmacy and Medical Supplies

MAKABayan Pharmacy and Medical Supplies "Murang Gamot, Para Sa Bayan" OUR VISION
Caring and Quality Pharmacy Services, Always and Everywhere, for All.

OUR MISSION
To have an Affordable-Access to Quality-Medicines and Supplies that are Safe and Effective.

28/07/2025
28/07/2025

🚨 MAG-INGAT SA PAGLILINIS PARA MAIWASAN ANG AKSIDENTE 🚨

Dahil meron pa ring dalang pag-ulan ang habagat, hintayin muna hanggang tuluyang humupa ang baha at siguruhing ligtas na ang paligid bago simulan ang paglilinis.

Para makaiwas sa aksidente, narito ang ilang paalala ng DOH:
✔️ Magsuot ng bota, gloves, goggles, at mask
✔️ Humingi ng tulong sa pagbubuhat ng mabibigat
✔️ Mag-ingat sa paggamit ng mga kemikal na panglinis, gaya ng bleach







28/07/2025

🚨MGA IITLUGAN NG LAMOK, MAS MARAMI DAHIL SA ULAN; DOH 4T GAWING REGULAR KONTRA DENGUE🚨

Bahagyang tumaas ang kaso ng dengue sa unang dalawang linggo ng Hunyo. Mula 8,233 noong June 1-14, tumaas ito sa 10,733 pagdating ng June 15-28. Pinaghahandaan na ng DOH ang pagtaas sa kaso ng dengue dahil sa sunod sunod na pag-ulan at pagbaha nitong mga nakaraang linggo.

Paalala ng DOH na gawin ang 4Ts para walang pamahayan ang lamok dengue na aedes. Maging alerto matapos maipon ang ulan sa paligid at mga lalagyan kung saan nangingitlog ang lamok na ito.
Gawin ang:
❗️Taob
❗️Taktak
❗️Tuyo
❗️Takip ️

Tandaan: Kung walang lamok, walang dengue!





28/07/2025
28/07/2025

⚠️ MAG-INGAT SA PAGKALUNOD HABANG BAHA PA RIN AT MAY BANTA NG FLASHFLOOD SA ILANG LUGAR

Tumaas na sa 12 ang bilang ng mga nasawi dulot ng sunod sunod na pag-ulan, karamihan ay sanhi ng pagkalunod, batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

May panganib pa rin sa ilang lugar na nananatiling lubog sa baha. Habang binabantayan pa rin ang ilang probinsya dahil sa possibleng flashfloods.

Tignan ang flood advisory ng PAGASA DOST para malaman ang lagay ng mga ilog at iba pang tributaries sa inyong lugar.

Narito ang ilang paalala para maiwasan ang pagkalunod.









Source: NDRRMC - July 24, 2025 Situation Report (on Drowning)

24/07/2025

🚨 DOH: ‘WAG GUMAMIT NG DOXYCYCLINE NANG WALANG RESETA🚨

Ang doxycycline ay isang antibiotic na ginagamit laban sa Leptospirosis.

Kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng bisa laban sa mga mikrobyo at maging mas mahirap gamutin ang simpleng impeksyon. Pwede itong humantong sa matagal o mas matinding pagkakasakit.

Nakadepende ang pag-inom ng doxycycline sa exposure o risk level ng taong nalubog sa baha.

Payo ng DOH, magpatingin sa doktor para sa tamang reseta sa paggamit ng antibiotic na ito.







24/07/2025

🚨 PANATILIHING LIGTAS ANG MGA DONASYON SA MGA EVACUATION CENTER 🚨

⛈️ Sa panahon ng sakuna, bawat tulong ay mahalaga. Palaging tiyakin na ligtas at malinis ang iyong donasyon para sa mga nasalanta:

✔️ Inuming tubig – malinis at selyado
✔️ Pagkain – selyado, walang butas o yupi, at hindi expired
✔️ Hygiene products – bago at selyado
✔️ Damit – malinis at maayos

🤝 Makipag-ugnayan sa inyong LGU, simbahan, o community org para sa mga donation drives. Sama-sama tayong tumulong sa ating kababayan, at maghatid ng ginhawa at pag-asa!



24/07/2025

🚨DOH: PANATILIHING LIGTAS SA KONTAMINASYON ANG INUMING TUBIG LALO NA NGAYONG MAULAN🚨

Sa panahon ng matinding pag-ulan, posibleng may kontaminasyon ang inuming tubig mula sa mga nasirang water at sewage pipes na nalubog sa baha.

Mahalagang tiyaking safe ang iniinom na tubig sa bahay man o sa evacuation center upang makaiwas sa sakit tulad ng cholera, diarrhea, at leptospirosis.

Ayon sa DOH Health Emergency Alert Reporting System, umabot sa 28,114 ang bilang ng mga evacuees sa 370 evacuation centers sa mga rehiyon ng‭ NCR,‬‭ I,‬‭ II,‬‭ III,‬‭ CALABARZON,‬‭ MIMAROPA,‬‭ V,‬‭ VI,‬‭ VII,‬‭ VIII,‬ IX,‬‭ X,‬‭ XI,‬‭ XII,‬‭ Caraga‬‭ at‬‭ CAR dahil sa Bagyong Crising at Southwest Monsoon. Kaya nakahanda na ang mga chlorine tablets bilang isa sa mga emergency commodities ng DOH para may malinis na inuming tubig ang mga lumikas.

Maaari ring pakuluan ang tubig sa loob ng 2 minuto bago inumin bukod sa paggamit ng chlorine tablets.



Address

63

2209

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00
Saturday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when MAKABayan Pharmacy and Medical Supplies posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Practice

Send a message to MAKABayan Pharmacy and Medical Supplies:

Shortcuts

  • Address
  • Opening Hours
  • Alerts
  • Contact The Practice
  • Claim ownership or report listing
  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share