03/11/2025
Sharing with you Mommy Rheb's inspiring high-risk pregnancy journey:
- post kidney transplant for IgA nephropathy (2022), on tacrolimus, prednisone
- with anti-phospholipid antibody syndrome (APAS)
- myoma uteri
- advanced maternal age (37yo)
- fetal growth restriction
Mahaba ang journey namin nila Rheb and Christian. December 2023 ay nagpaconsult na sila dahil gusto na magpaalaga. Nagstart na kami ng work ups and meds. Nag PT positive sila early this year. At first ay very good ang mga prenatal check ups namin, kaya lang pagdating ng early third trimester ay napansin naming hindi na maganda ang growth ni baby. Nag start kami ng meds (with precaution syempre dahil baka makasama sa kidney nya) at nagpa work up ng possible cause.
Mas madalas than usual ang monitoring namin through ultrasound. Maselan ang pagbibigay ng gamot dahil medyo tumataas na rin ang creatinine nya. At 32 weeks na admit pa sya due to complicated UTI. Pagdating ng 35+ weeks, napagdesisyunan namin na admitin sya dahil hindi na talaga lumalaki si baby, may brain sparing na sa ultrasound, at hindi na maganda ang umbilical doppler velocimetry studies result (AEDV) - signs na need na ilabas si baby.
Inilabas namin si baby weighing 1950 grams at saktong sakto lang dahil nakadumi na rin pala si baby. Syempre happy tayo dahil halos 1 week lang si baby sa nicu, sa tulong ng neonatologist natin na si Dr. Luna. Salamat din kay Dr. Sunga (nephrologist), Dr. Mendoza (anes), Dr. Gener (OB assist), at sa staff ng Grace Medical Center.
Higit sa lahat ay nagpapasalamat kami kay Lord at finally ay may baby na sila. πππ