Tita Karmi Stories

Tita Karmi Stories Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tita Karmi Stories, Baras.

AKO BA YONG GAGO ??kung kakampihan ko yung gusto ng 6yo daughter ko kesa gusto ng asawa ko?FamilyKelangan ko (38F) ng tu...
29/03/2025

AKO BA YONG GAGO ??
kung kakampihan ko yung gusto ng 6yo daughter ko kesa gusto ng asawa ko?
Family
Kelangan ko (38F) ng tulong dahil di gumagana nang maayos utak ko lalo na ngayong hindi na ko nakakatulog nang maayos dahil sa work and family.

Ako ba yung gago kung pinagtatanggol ko ang anak (6F) ko sa asawa (44M) ko? Nakatira kami sa maliit lang na bahay, isa lang ang kuwarto, isa lang ang banyo.

Nag iinsist ang asawa ko na "normalize" daw na okay lang na makita nya ang anak namin na nagbibihis, na ok lang na sya ang magpaligo. Pero ayaw ng anak namin.

Kaninang umaga binibihisan ko ang anak namin para sa school, walang katok o anuman, pumasok na lang bigla ang asawa ko sa kuwarto, nakahubad pa anak namin! Umiyak sya, tumagal pa lalo ang araw.

Ang side ni mister, inormalize daw. Kasi part ng parenting daw na both parents involved. Ayaw nya makuha opinion ng iba, kesyo outsiders daw sila. Hinala ko may sayad asawa ko?

Ngayon, gago ba ako, tama ba sya at ako ba ang mali? Nasa tamang sub ba ko para sa kuwentong ito?

KAPAL MUKS NG PINSAN KO!!!Yung 3rd cousin ko, ng papa “sponsor” ng catering na pang binyag/bday ng anak nya. Tigas ng mu...
28/03/2025

KAPAL MUKS NG PINSAN KO!!!
Yung 3rd cousin ko, ng papa “sponsor” ng catering na pang binyag/bday ng anak nya. Tigas ng mukha.

Youngest child ako sa family of 4 namin, yung pinsan ko, kababata ko sya at super close kami before sila nag migrate sa saudi when we were 13. Nag abroad din ang eldest kuya ko tapos since malapit sa knila, parang my tita “took him in” para hindi sya na hohome sick, invited sya mga sunday dinners, outings, etc.

After 15 years, umuwi na si pinsan sa pinas and saming 4 magkakapatid, yung second eldest sister ko palang ang nay asawa at 3 anak. Singaporean ang asawa ni ate kaya medyo nakaka LL sa buhay, hindi kami kahit minsan hiningan nga ate ko for anything for my 3 nephews.

Anyway, nagpakasal, buntis at nanganak na si pinsan, sabi kukunin daw akong ninang. My 2nd (single) ate, nasa Taiwan naman working as an ofw. Ako naman, single padin at walang balak magka pamilya sa hirap ng buhay. Very spoiled saming magkakapatid yung mga pamangkin ko.

Then, one day, si pinsan gumawa ng gc, adding me, my kuya and ate in taiwan, saying “sponsoran nyo naman yung binyag/bday ni baby. Sagotin nyo na yung catering, hati kayong tatlo”. OUT OF NOWHERE.

NAPAKA TIGAS NG MUKHA, mind you, CATERING BUSINESS NILA DITO SA PINAS. Yung ate kong nasa taiwan na may FAFO attitude without filter replied “wow ha? Si ate nga tatlo anak, ni singkong duling hindi kami hiningan, sino ka?”

Tapos bigla syang nag leave ng gc at ayun, pinamalita kami sa buong angkan namin na napaka susungit daw namin, “nag papa sponsor lang ng cake, pancit at ice cream” sinungitan daw namin.

Gigil na gigil kaming mag anak pati nanay ko napamura nasa kanila. Mga potanginang ganitong tao. Tititgas ng mukha. Pinilit ba namin syang magka anak? Kung di kayang ibigay needs ng anak, wag ibuka ang kiffy.

TANGINAMO. GIGIL NA GIGIL PADIN AKO.

Edit:

Sinend ng Nanay ko sa gc yung screenshot ng gc na ginawa ni pinsan at bigla nalang naging victim si pinsan keso, tanda na daw ni ate ko para patulan yung pinsan ko na 5 yrs younger lang naman kay ate. Ngayon, pati nanay ko niremove nila sa gc like we care. GOOD RIDDANCE.

T4NGINA NG PARTNER KO!!Sobrang asar ako, pumunta kami hospital nung isang araw medical emergency dahil sakanya. Nakauwi ...
28/03/2025

T4NGINA NG PARTNER KO!!
Sobrang asar ako, pumunta kami hospital nung isang araw medical emergency dahil sakanya. Nakauwi nmn agad dahil natanggal nmn agad yung tinik sa lalamunan niya.

Paguwi nmin usapan nmin kakain kami dahil inabot na kami ng 10:30 sa daan at wala pa kaming dinner. Dumaan ng kfc ayaw, ihaw ayaw, dumaan sa paresan tangina nasa counter na biglang itetest ako kung ako magbabayad parang putangina sagot ko na lahat pati ba nmn to? Nagwalk out nako ksi gutom na gutom nako tpos ippressure mo pako sa pagbbyad talaga ba? To think na sagot ko na lahat sa bahay ang expenses.

Paghatid sakin umalis bmli ng sisig paguwi parang bata na ayaw ipakain yun binili niya pati ice cream na bnli sa anak nmin tinikman ko kesyo sarap dw ksi sya bmli. E napikon ako hinagis ko sknya yung sisig pti ice cream kako lamunin nyang lahat. Para akong sumabog sabay iyak ng malakas.

To think this happens 2 weeks after my miscarriage at may post partum pako.

AYOKO NA!!Live in kami ng gf ko with her 3 siblings and 1 cousin - Isa lang un hiling ko, hugasan un putangina plato pag...
28/03/2025

AYOKO NA!!

Live in kami ng gf ko with her 3 siblings and 1 cousin - Isa lang un hiling ko, hugasan un putangina plato pagkatapos kumain
Im earning 120k in IT, she is earning 29k as a teacher.

tnry namin mag live in pero kasmaa kapatid nya, lahat nag aaral except sa pinsan nya,

May times na naglilinis at pinag hahanda ako,

Ang bagay lang na kinauurat ko,

palageng madumi un lababo at mesa, iniiwian un pinag kainan na sabi ko sa gf ko,

pagkatapos kumain hugasan, wala na nga inaambag sa bahay na gastos,un lang gagawin.

Nakakapagod na magsalita at mag sabi , pota paulit ulit na lang,

malapit ko na sa sabihin na humanap kayo ng exclusive subdivision or kung san nyo afford, tutal asal balahura nman pinag gagawa nyo e.

Ako un tipong pag naurat, lumalayas, or umaalis,Pag nagsalita kasi siguradong trauma aabutin sakin,

so ngayon, Im planning to live alone ulit and kung mag iwan ako ng plato, atleast ako lang mag isa,

d pa ko na sstress, stress at pagod na nga galing office.

Di ko pa to nasasabi sa gf ko na babalik kami sa dati na friday-sun sya sakin,

Context: Broken sya, so bread winner sya and sya nag papaaral sa kapatid nya,

Broken ako ( after mamatay un ermat and lola ko ) and never na ko nagparamdam sa family ko, I'm living alone.

Abyg na hindi ko nasabi kay GF na may palaging nakikisabay sakin papuntang workplace?Ako (31M), nasa 5-year LDR relation...
27/03/2025

Abyg na hindi ko nasabi kay GF na may palaging nakikisabay sakin papuntang workplace?

Ako (31M), nasa 5-year LDR relationship with my girlfriend (26F). Mga 2-3 beses lang kami nagkikita sa isang taon. Isang araw, may co-worker ako (20sF) na dati ko nang kakilala sa past work, na nakikisabay sakin papuntang trabaho kapag nagkataon na sabay kami sa daan. One time na-late siya dahil sa haba ng pila sa bus, tapos tinanong ako kung pwede siyang sumabay. Sabi ko, okay lang naman basta magka-abot lang. Wala naman akong malisya, at lagi rin siyang nasa likod ng kotse kapag sumasabay. Over time, naging madalas ito pero hindi ko naman siya hinihintay, nandun lang siya sa pwesto kapag nagkataon.

Nung una, hindi ko nasabi agad kay GF kasi feeling ko hindi naman big deal. Isa pa, hindi ko rin gusto pag-usapan sa chat yung ganitong bagay kasi may trust issues siya from past relationships. Mas gusto ko sana in-person ko sabihin. Nung nagkita kami after ilang buwan, binanggit ko na sa kanya. Nung una, parang okay lang siya. Pero nung umuwi na siya at balik sa LDR setup namin, bigla siyang nagtatanong ng details, like kung saan umuupo si co-worker at gaano na katagal nangyayari. Sinagot ko naman lahat, tapos bigla siyang nagsabi na okay lang daw.

Dumating anniversary namin, nagkita ulit kami at sobrang saya namin. Pero out of nowhere, BOOM. Bigla siyang nag-breakdown. Sabi niya, kinikimkim niya pala yung tungkol dun sa pagsabay ni co-worker. Naluha siya at sinumbat sakin na alam ko naman daw na dati pa niyang sinabi na di siya komportable sa co-worker na ‘yun. Aminado ako, nakalimutan ko ‘yun. Naisip ko kasi baka hindi niya lang pa kilala yung tao kaya siya uneasy. Wala naman talaga akong nararamdaman kay co-worker, at wala rin siyang gusto sakin.

Nagtanong pa siya kung bakit hindi ko agad sinabi nung simula pa lang. Sabi ko, kasi feeling ko maliit na bagay lang siya at hindi naman palaging nangyayari. Isa pa, ayoko lang talagang pag-usapan sa chat kasi mas okay pag personal para maiwasan yung misunderstanding. Sinabi ko rin na kung nasabi niya agad na hindi siya comfortable, matagal ko nang pinatigil ‘yung pagsabay ni co-worker. In the end, nagkaintindihan naman kami at tinapos ko na talaga yung pagsabayan kay co-worker after ng last meet-up namin ni GF.

Kahit na napag-usapan na namin, may mga araw pa rin na parang bumabalik yung selos niya. Kaya napaisip ako, ABYG ba ako kasi hindi ko sinabi agad? Mali ba ako na inisip kong maliit na bagay lang ‘to? O dapat ba talagang na-anticipate ko na masakit ‘to para sa kanya? Wala naman talaga akong ibang intention, pero gusto ko rin malaman kung saan ako nagkulang.

゚ ゚viralシ

Address

Baras
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tita Karmi Stories posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram