BHS Barongis

BHS Barongis Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BHS Barongis, Health & Wellness Website, Kulambog Street Purok Santan Barangay Barongis, .

https://www.facebook.com/share/19ALzW4WRn/
06/08/2025

https://www.facebook.com/share/19ALzW4WRn/

Higit 9 milyong kababaihan na ang gumagamit ng family planning methods ayon sa datos ng DOH.

✅ Gaya nila, may karapatan ka ring pumili ng pinakamainam na family planning method na swak sa’yo!

🔎 Basahin ang larawan para sa karagdagang impormasyon.




https://www.facebook.com/share/p/1A9aTnirZr/
04/08/2025

https://www.facebook.com/share/p/1A9aTnirZr/

Golden Rule #7 to Kidney Health: Don’t Abuse Pain Relievers and Supplements!

Don’t overuse painkillers.

Frequent use of over-the-counter pain meds like ibuprofen or herbal medicines can harm your kidneys. Always ask your doctor first!

https://www.facebook.com/share/16gCDrY3dH/
01/08/2025

https://www.facebook.com/share/16gCDrY3dH/

Hangad ang mas maayos na kinabukasan? Tara, usap tayo sa Family Planning! 📋

Alamin ang tamang impormasyon tungkol sa iba’t ibang family planning methods tulad ng:

✅ Ligation;
✅ Vasectomy
✅ Implant;
✅ Lactational Amenorrhea Method (LAM);
✅ Intrauterine Contraceptive Device (IUD);
✅ Calendar Method;
✅ Pills;
✅ Injectables; at
✅ Condoms;

Tandaan, Panalo ang Pamilyang Planado!

Isang paalala ngayong Family Planning Month.




https://www.facebook.com/share/p/1E7oZvW7Ut/
01/08/2025

https://www.facebook.com/share/p/1E7oZvW7Ut/

📣 Paanyaya!

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Libungan na makibahagi sa isang Medical at Dental Mission bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-64 na Anibersaryo ng Libungan at Ika-10 Katambolit Festival na gaganapin sa Agosto 5, 2025 (Martes), mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Libungan Municipal Gymnasium.

📌 Mga libreng serbisyo:

Libreng Konsultasyong Medikal

Libreng Gamot

Libreng Bunot ng Ngipin

Libreng Tuli

Mobile Blood Donation

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makinabang sa mga serbisyong ito. Isama ang inyong pamilya at mga kaibigan! Para ito sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa. Tara na, magkita-kita tayo roon!



https://www.facebook.com/share/1CaWF5b33S/
31/07/2025

https://www.facebook.com/share/1CaWF5b33S/

🚫ANG PAMEMEKE NG PWD ID AY PAGNANAKAW NG BENEPISYO PARA SA MGA MAY KAPANSANAN🚫

Ang mga benepisyong kalakip ng Person with Disability ID or PWD ID ay eksklusibong karapatan ng mga PWD.

Protektahan natin ang mga karapatang ito at suportahan ang ating mga PWD. Maaring i-report ang anumang paglabag sa Philippine National Police (PNP), Persons with Disability Affairs Offices (PDAOs), o direkta sa National Council on Disability Affairs (NCDA).

Huwag mameke, huwag magnakaw ng benepisyong hindi naman nakalaan para sa iyo.




https://www.facebook.com/share/1AbSPazu8Y/
30/07/2025

https://www.facebook.com/share/1AbSPazu8Y/

💡𝐀𝐥𝐚𝐦𝐢𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐧𝐝, 𝐅𝐨𝐨𝐭, 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞 𝐨 𝐇𝐅𝐌𝐃:

Ito ay isang viral na sakit na karaniwang nakikita sa mga bata, kadalasang mga bata sa edad na 5 taon pababa. Ito ay sanhi ng mga virus na kabilang sa Coxsackie at minsan din ang Enterovirus. Ito ay may sintomas tulad ng lagnat, pamamantal ng bibig, kamay, at paa.

🗒 Tandaan:
Siguraduhing malinis ang kapaligiran at palaging magsanitize ng kamay para iwas sa iba't ibang germs at sakit.

Para sa kaligtasan ng inyong mga anak, siguraduhing lagi silang naghuhugas ng kamay at iwasang magkaroon ng direktang contact sa mga may sakit. Huwag mag-atubiling magpa-konsulta sa doktor kung mayroong mga sintomas.

Para sa isang Healthy SOCCSKSARGEN Region! 💚


https://www.facebook.com/share/p/1Aw4269r7s/
29/07/2025

https://www.facebook.com/share/p/1Aw4269r7s/

📣 Paanyaya!

Inaanyayahan ang lahat ng mamamayan ng Libungan na makibahagi sa isang Medical at Dental Mission bilang bahagi ng pagdiriwang ng Ika-64 na Anibersaryo ng Libungan at Ika-10 Katambolit Festival na gaganapin sa Agosto 5, 2025 (Martes), mula alas-8 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali sa Libungan Municipal Gymnasium.

📌 Mga libreng serbisyo:

Libreng Konsultasyong Medikal

Libreng Gamot

Libreng Bunot ng Ngipin

Libreng Tuli

Mobile Blood Donation

Inaanyayahan ang lahat na makiisa at makinabang sa mga serbisyong ito. Isama ang inyong pamilya at mga kaibigan! Para ito sa kalusugan at kapakanan ng bawat isa. Tara na, magkita-kita tayo roon!



PuroKalusugan, Nagsagawa ng Serbisyo sa Purok Rosal7/29/2025 Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ng PuroKalusugan ang ...
29/07/2025

PuroKalusugan, Nagsagawa ng Serbisyo sa Purok Rosal

7/29/2025 Ngayong araw, matagumpay na isinagawa ng PuroKalusugan ang isang serye ng mga aktibidad sa Purok Rosal na layuning mapalawak ang kaalaman at maitaguyod ang kalusugan ng mga residente.

Isa sa mga tampok ng aktibidad ay ang serye ng mga lecture tungkol sa 10 Priority Programs ng PuroKalusugan, na naglalayong magbigay ng tamang impormasyon tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at mga serbisyong maaaring makuha sa lokal na pamahalaan.

Isinagawa rin ang PhilPEN Risk Assessment at Random Blood Sugar (RBS) testing kung saan 75 na kliyente ang nabigyan ng serbisyo. Nagpamigay rin ng libreng maintenance medicine at bitamina para sa mga pasyenteng nangangailangan.

Sa maternal care, dalawang buntis ang na-cater sa isinagawang prenatal check-up.

Sa larangan ng nutrisyon, 15 batang may edad limang taon pababa ang na-assess sa pamamagitan ng Operation Timbang (OPT). Sila rin ay nabigyan ng deworming, Vitamin A supplementation, at libreng toothbrush bilang bahagi ng pangangalaga sa kanilang kalusugan at hygiene.

Ang mga aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na kampanya ng PuroKalusugan upang maisulong ang malusog na pamumuhay at maagapan ang mga sakit sa bawat komunidad.

Maraming salamat sa pinaka aktibo Kagawad ng Purok Rosal Hon. Rosie Batario and our Purok Leader Leny Delfino.




Barangay Barongis Tumanggap ng 2025 Bayanihan Sandugo Award mula sa CRMC!Isang malaking karangalan para sa Barangay Baro...
28/07/2025

Barangay Barongis Tumanggap ng 2025 Bayanihan Sandugo Award mula sa CRMC!

Isang malaking karangalan para sa Barangay Barongis ang tumanggap ng 2025 Bayanihan Sandugo Award mula sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) matapos makamit ang 3.37% na blood donor rate, na nagbigay sa ating barangay ng Ikatlong Pwesto (Top 3) sa mga barangay na may pinakamataas na bilang ng mga boluntaryong nag-donate ng dugo!

Ang parangal ay personal na tinanggap ni Hon. Barangay Captain Roldan P. Simbaan at ang ating masigasig na Kagawad on Health, Hon. Harlyn E. De Vera, bilang pagkilala sa walang sawang suporta ng Barangay Barongis sa mga aktibidad ukol sa blood donation.

Lubos ang pasasalamat ng Barangay Local Government Unit (BLGU) Barongis sa bawat mamamayan ng Barongis na buong-pusong sumusuporta sa ating blood letting activities. Ang inyong kabayanihan ay tunay na nakapagliligtas ng buhay.

Mag-donate ng dugo, magligtas ng buhay!

Mabuhay ang Barangay Barongis! 💉❤️🇵🇭

Address

Kulambog Street Purok Santan Barangay Barongis

9411

Opening Hours

Monday 08:00 - 15:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Telephone

+639173036603

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when BHS Barongis posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your practice to be the top-listed Clinic?

Share