28/05/2026
Ang chemotherapy ay isang paraan ng paggamot laban sa cancer gamit ang mga gamot na tumutulong puksain o pigilan ang pagdami ng cancer cells. Narito ang ilang importanteng kaalaman:
☑️Hindi lahat ng chemotherapy ay pare-pareho- nakaayon ito sa kondisyon ng bawat pasyente.
☑️Maaaring makaranas ng side effects tulad ng pagsusuka, panghihina, pagkawala ng gana, o pagkalagas ng buhok, ngunit may mga paraan upang makatulong mabawasan ito.
☑️Mahalaga ang tamang nutrisyon, sapat na pahinga, at pag-inom ng gamot ayon sa payo ng doktor.
☑️Huwag matakot magtanong sa inyong healthcare team tungkol sa inyong paggamot.
☑️Ang suporta ng pamilya at mga mahal sa buhay ay malaking tulong sa laban ng bawat pasyente.
💛 Ang chemotherapy ay hindi lamang tungkol sa paggamot- ito ay tungkol din sa pag-asa, lakas ng loob, at patuloy na pakikipaglaban.🎗️