29/04/2026
Amin pong pinapaalam sa lahat na walang OPD consultation sa May 1, 2026 (Biyernes) bilang paggunita ng Araw ng Manggagawa.
Ang aming regular na serbisyo ay magpapatuloy sa susunod na araw ng operasyon. Gayunpaman, nais po naming ipabatid na ang Emergency Room ay mananatiling bukas 24 oras upang patuloy na makapagbigay ng agarang serbisyong medikal sa mga nangangailangan.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala at mag-ingat po tayong lahat!