
12/06/2024
BARANGAY POOK NI BANAL: 𝐍𝐚𝐤𝐢𝐢𝐬𝐚, 𝐒𝐮𝐦𝐮𝐬𝐮𝐩𝐨𝐫𝐭𝐚 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐥𝐮𝐥𝐮𝐧𝐬𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐏𝐨𝐩𝐂𝐞𝐧 𝐂𝐁𝐌𝐒 𝟐𝟎𝟐𝟒.
Mahal naming mga kababayan sa Bayan ng San Pascual, tayo'y magsama-sama sa isang mahalagang hakbang tungo sa higit na pag-unlad ng ating bayan! Ang PopCen Community Based Monitoring System 2024 ay magsisimula na, at ang inyong tulong at suporta ay napakahalaga.
𝐀𝐧𝐨 𝐛𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐂𝐨𝐦𝐦𝐮𝐧𝐢𝐭𝐲 𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐌𝐨𝐧𝐢𝐭𝐨𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐲𝐬𝐭𝐞𝐦? Ang Community Based Monitoring System 2024 ay isang programa ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naglalayong makalikom ng lehitimong datos tungkol sa ating populasyon, pasilidad, imprastraktura at komunidad upang mapabuti ang mga serbisyong pampubliko at mapaunlad ang ating bayan.
Sa inyong pakikilahok, masisiguro natin ang:
- tama at lehitimong impormasyon
- pagpapabuti ng mga serbisyo
- maayos na pagplano para sa kinabukasan ng ating mamamayan at ng ating Bayan.
Ang CBMS ay magsisilbing gabay para sa inklusibong pagpaplano ng pag-unlad sa antas lokal. Binibigyan ng CBMS ng halaga ang mga vulnerable sectors tulad ng mga Persons With Disabilities (PWDs), mga senior citizens, mga katutubong grupo, solo parents, magsasaka at mangingisda, kababaihan, at mga bata. Sa pamamagitan ng CBMS, ang kanilang mga karanasan at sitwasyon ay naririnig at isinasaalang-alang para sa paggawa ng mga polisiya at plano ng mga programa na batay sa datos na nakuha.
Magsisimula ang survey at pagbaba ng mga enumerators sa bawat barangay sa ika-15 ng Hulyo, 2024.
Maki-isa, makilahok, magpabilang at makibahagi sa lalong paglago at pagunlad ng Bayan ng San Pascual, ang Bayan na ating Mahal.