30/11/2025
Nakibahagi po ako sa makabuluhang kaganapan ngayong araw ng Linggo, ika-30 ng Nobyembre, 2025 sa Barangay San Andres Proper, Bauan sa isinagawang blessing at ribbon cutting para sa bago nilang Barangay Hall!
Kasabay rin po ito ng pagdiriwang natin ng kanilang barangay fiesta. Nakasama ko po ang masisipag at dedikadong miyembro ng Sangguniang Barangay na pinangungunahan ni Barangay Captain Kingjan Dimalibot.
Maraming salamat din po kay Rev. Fr. Jonathan Tamayo sa pag-officiate ng blessing at sa pagbabahagi ng kanyang mga panalangin.
Mabuhay, San Andres Proper! Nawaโy magpatuloy ang progreso, pagkakaisa, at tapat na paglilingkod para sa bawat pamilyang inyong pinagsisilbihan.