
22/09/2022
Gouty Arthritis at Mataas ang Uric Acid?
Ang gout ay isang pangkaraniwang sakit. Ang sintomas ng gout ay ang matinding pamamaga at pananakit ng mga kasu-kasuan ng mga daliri ng paa, kamay at tuhod. Sobrang sakit ang gout.
Para malaman kung gouty arthritis nga ang sakit, kailangan natin suriin ang Uric Acid sa isang blood test. Kapag mataas ito, gout ang dahilan ng iyong arthritis. Iba kasi ang gamutan ng gout sa ordinaryong arthritis lamang.
Nakukuha ang gout sa 2 bagay: (1) Lahi - Namana sa magulang, (2) Pagkain - Mahilig kumain ng mga pagkaing mataas sa uric acid.
Ano ang pagkaing dapat iwasan ng isang taong may gout?
Sa mga gulay, bawasan ang pagkain ng asparagus, cauliflower, mushroom at spinach. Mataas ito sa uric acid. OK lang ang kanin.
Pagdating naman sa ulam, dito tayo nagkakatalo. Umiwas sa mga lamang loob, sisig, sardines, tunsoy, tamban, pati beer at alak.
Ano ang mga gamot sa gout?
Kailangan na ng maintenance na gamot para bumaba ang iyong uric acid levels sa dugo.
24 Alkaline-C 💊