30/06/2023
Ang Pista ng Kalikasan (Pistakasan) ay pagpapatuloy ng pagiging "luntian" ng isang buwang selebrasyon ng Batangas City Foundation Day. Ang Pistakasan ay pagpakita at pagparamdam ng pagmamahal at pag-aalaga sa kalikasan ng mga Batangueno.
Kaugnay nito, bilang selebrasyon ng ika-54 taon ng Batangas City Foundation Day, iniimbitahan ang LAHAT NG SEKTOR na makilahok at hikayatin ang inyong mga nasasakupan na sumali sa CITY WIDE CLEAN UP sa ika-1 ng Hulyo, 2023 sa ganap na ika-6 ng umaga.
📌Ang lahat ay inaanyayahan na magsuot ng kulay BERDE (GREEN) na damit bilang pakikiisa sa programang ito. Ating bigyan ng personal na oras na mapanatili ang kalinisan ng ating barangay.
🏫LAHAT NG PUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN: Lahat ng mag-aaral, guro/propesor o mga faculty staff ay hinihikayat na maging parte ng programa na ito sa pamamagitan ng paglilinis ng mga silid-aralan at kapaligiran ng paaralan, at pakikiisa sa ating linis barangay.
🏢INDUSTRIYA/KOMERSYAL NA ISTABLISYIMENTO, MGA INSTITUSYON AT ORGANISASYON: Inaanyayahan ang lahat na makilahok upang maglinis ng kanilang paligid at sa nakapaligid sa inyong lugar. Mangyaring makipag-ugnayan sa aming tanggapan para sa iba pang detalye.
♻️WASTONG PAGBABASURA: IHIWALAY ang nabubuloksa di-nabubulok bato itapon. IWASANG SUNIGIN ang basura. Ang tuyong dahon o mga katulad nito ay maaaring ilagay sa composting area o gawing pataba para sa mga halaman. IRESIKLO nag ibang basura na maaari pang gamitin sa iba pang bagay. BAWASAN ang basura sa pamamagitan ng pagbibili o pagdodonate ng mga di na gagamiting aplyanses, ibang kagamitan, damit at iba pa.