OK sa DepEd - Talahib Pandayan IHS

OK sa DepEd - Talahib Pandayan IHS Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from OK sa DepEd - Talahib Pandayan IHS, Medical and health, Batangas City.

10/09/2025
10/09/2025

‼️DOH: PALAKASIN ANG PEER SUPPORT GROUPS KONTRA SUICIDE‼️

Inirerekomenda ng DOH ang pagsasapinal at patuloy na pagsuporta sa mga youth-led peer support group para matugunan ang lumalaking pangangailangan para sa mga programang may kinalaman sa mental health.

Kaugnay nito, inilunsad na sa 50 Provincial at City-Wide Health Systems (P/CWHS) ang paggamit ng DOH Peer Support Groups Playbook.

Kabilang sa playbook ang mga training para sa mga peer facilitators at mga educational materials para higit pang buksan sa kabataan ang usaping mental health.

Sa pamamagitan ng peer support groups, nagkakaroon ang kabataan ng ligtas na espasyo kung saan sila ay napapakinggan, nauunawaan, at nagiging bahagi ng isang inklusibo at pantay na komunidad (WHO, 2021).

Batay sa DOH National Assessment of the Mental Health Literacy of Filipinos (2024), 2 sa bawat 3 kabataang Pilipino ay handang humingi ng tulong—isang malinaw na palatandaan na bukas ang kabataan sa pag-uusap at pagtutulungan, lalo na para sa mga may pinagdadaanan.





𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 2025 💉sa Talahib Pandayan Integrated High School 🏫 Ngayong ika-10 ng  Setyembre  ay  matagumpay na naisag...
10/09/2025

𝐁𝐚𝐤𝐮𝐧𝐚 𝐄𝐬𝐤𝐰𝐞𝐥𝐚 2025 💉sa Talahib Pandayan Integrated High School 🏫

Ngayong ika-10 ng Setyembre ay matagumpay na naisagawa ang School-Based Immunization (SBI) para sa mga mag-aaral na nasa ika-7 baitang sa Talahib Pandayan Integrated High School.
🩹💉Measles-Rubella at Tetanus- Diphtheria ✨️

✅️Layunin ng programang ito na mapangalagaan ang kalusugan ng ating kabataan laban sa mga sakit na maaaring maiwasan sa pamamagitan ng pagbabakuna. 💉

🤝 Salamat sa suporta ng ating mga g**o, magulang, sa BHW ng Brgy Talahib Panadayan, Nurse at Doctor ng LGU ng Batangas at katuwang sa kalusugan— isang hakbang tungo sa mas ligtas at malusog na kinabukasan para sa kabataan.
💛💚💙


10/09/2025
Be healthy for a better you💙💛💚
06/09/2025

Be healthy for a better you💙💛💚

❗️DOH: PANATILIHIN ANG TAMANG TIMBANG PARA SA MALUSOG NA KATAWAN❗️

4/10 na Pilipino ay obese. Ang obesity ay isang kondisyon kung saan labis ang taba sa katawan, at maaaring umangat ang panganib sa iba’t ibang sakit tulad ng altapresyon, sakit sa puso, diabetes (Type 2), at stroke.

🥦🏃Piliin ang healthy ang gawin ang mga sumusunod:
✅ Kumain ng masustansya at iwasan ang matatamis, maalat, mamantika, at matataba (4Ms)
✅ Mag-ehersisyo araw-araw
✅ Magpasuri nang maaga upang matiyak na ang timbang, taas, at sukat ng baywang ay akma sa iyo
✅ Iwasang magpuyat

Source: DOST-FNRI, National Nutrition Survey 2023




Be a light to others.   Every life matters. Every story is worth hearing. Every struggle is valid.   💚💛💙
06/09/2025

Be a light to others. Every life matters. Every story is worth hearing. Every struggle is valid. 💚💛💙

TARA NA! BAKUNA ESKWELA NA! ✨️Sa mga mahal naming magulang,Tandaan siguraduhing: ✅️may parent's consent✅️kumain ng masus...
04/09/2025

TARA NA! BAKUNA ESKWELA NA! ✨️

Sa mga mahal naming magulang,

Tandaan siguraduhing:
✅️may parent's consent
✅️kumain ng masustansyang pagkain (almusal) ang mga bata
✅️iwasan ang negatibong impormasyon tungkol sa bakuna.

📍Sa paaralan po gaganapin ang pagbabakuna base na iskedyul.

Huwag ng mag-alinlangan pa at bigyang proteksyon ang inyong mga anak laban sa Measles, Rubella, Tetanus at Diphtheria.

💉Ligtas, epektibo, at libre ang mga bakunang ito.
💛💚💙

🛡️ 𝐈𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐧𝐝, 𝐅𝐨𝐨𝐭, 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞! 🛡️Ang HFMD o Hand, Foot, and Mouth Disease ay isang nakahahawang sakit na p...
03/09/2025

🛡️ 𝐈𝐰𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐇𝐚𝐧𝐝, 𝐅𝐨𝐨𝐭, 𝐚𝐧𝐝 𝐌𝐨𝐮𝐭𝐡 𝐃𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞! 🛡️

Ang HFMD o Hand, Foot, and Mouth Disease ay isang nakahahawang sakit na pinaka nakaaapekto sa mga batang edad 5 taon pababa. Nagdudulot ito ng pagpapantal sa kamay, paa, at singaw sa bibig.

Protektahan ang iyong anak laban sa sakit na ito!
✅ Ugaliing maghugas ng kamay
✅ Iwasang hawakan ang mata, ilong, at bibig
✅ Linisin at i-disinfect ang mga kagamitan
✅ Magpakonsulta agad sa pinakamalapit na health center

Protektahan ang sarili at ang pamilya laban sa HFMD!

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕...
13/07/2025

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




💚🩵❤️

❕DOH: PANATILIHIN ANG KALINISAN SA MGA PAARALAN PARA MAIWASAN ANG HAWAHAN NG SAKIT, GAYA NG HAND FOOT AND MOUTH DISEASE❕

Sa pagpapatuloy ng klase sa mga paaralan, paalala ng DOH na panatilihin ang kalinisan sa katawan at paligid, lalo na sa mga silid-aralan at lugar kung saan namamalagi ang mga bata.

Kahit pababa ang trend ng bilang ng mga kaso ng Hand Foot and Mouth Disease (HFMD) mula Mayo 18-31, 2025 (1,964 cases) papuntang Hunyo 1-14, 2025 (1,363 cases), hindi dapat maging kampante dahil mabilis itong makahawa kung hindi mag-iingat.

Ang isang batang may HFMD ay maaaring makahawa ng higit sa 2 na ibang bata, at maari pa itong dumami kapag nasa closed spaces gaya ng bahay at eskwelahan.

🖐👣 Ang mga kadalasang sintomas ng HFMD ay:
📌 lagnat
📌 singaw sa bibig
📌 sakit sa lalamunan
📌 mga butlig sa palad, talampakan, o puwit

❗️Makaiiwas sa HFMD sa pamamagitan ng:

✅Paghuhugas ng kamay gamit ang sabon at malinis na tubig, o paggamit ng alcohol-based sanitizer
✅Pag-iwas sa paghawak sa mukha, lalo na sa mata, ilong, at bibig
✅Pagpapanatili ng kalinisan at pagdisinfect ng mga kagamitan




BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE!
13/07/2025

BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE!




❗️BUKOD SA LEPTOSPIROSIS, MGA BATANG NAGLALARO SA BAHA PWEDENG MAGKA-ASCARIASIS DALA NG MGA BULATE❗️

Babala ng DOH, hindi lang Leptospirosis ang maaaring makuha sa baha, kundi ang mga Soil-transmitted Helminths (STH) infections, tulad ng Ascariasis, Trichuriasis, at Ancylostomiasis. Madalas na tinatamaan ng mga STH ay ang mga batang hindi nagpapurga.

Ayon sa datos ng DOH noong 2024, 57% pa lang ng batang 1-4 years old ang nagpapurga sa kabila ng libreng Deworming tablets na binibigay sa mga health center.

Ilan sa mga sintomas ng STH infections ang:
✔️Pananakit ng tiyan
✔️Pagtatae
✔️Panghihina
✔️Rectal prolapse (Paglabas ng laman ng pwet)
✔️Mabagal na paglaki ng katawan at isipan ng bata

Paalala ng DOH sa mga magulang, huwag hayaang maglaro sa baha ang mga bata at gawin ang W.O.R.M.S para maiwasan ang impeksyon na dala ng mga bulate! 🪱




13/07/2025

❗️FILARIASIS — ISA PANG SAKIT NA DALA NG LAMOK NGAYONG TAG-ULAN ❗️

💡 Bukod sa Aedes aegypti na nagdadala ng dengue, mabilis ding dumadami sa panahon ng tag-ulan ang mga lamok gaya ng Aedes spp., Anopheles spp., at Mansonia spp. na nagdadala ng Filariasis.

Ang lymphatic filariasis ay sakit na dulot ng mga microscopic na bulate na naipapasa mula sa kagat ng lamok. Kapag napabayaan, maaari itong magdulot ng kapansanan dahil sa permanenteng pamamaga ng iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mga paraan para maiwasan ang Filariasis:

✅Gawin ang taob, taktak, tuyo, takip sa mga lalagyan para walang pamahayan ang lamok;

✅Magsuot ng pantalon at damit na may long sleeves; at

✅Gumamit ng mosquito repellent pag lalabas, at ng kulambo sa pagtulog

📍 Sa tulong ng mass drug administration, nakakamit ng mga probinsya ang Filariasis-free status.




𝗨𝗠𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗣𝗢𝗫❗️Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol dito para mapanatiling ligtas ang sarili,pamilya, paaralan a...
13/07/2025

𝗨𝗠𝗜𝗪𝗔𝗦 𝗦𝗔 𝗠𝗣𝗢𝗫❗️

Alamin ang mahahalagang impormasyon tungkol dito para mapanatiling ligtas ang sarili,pamilya, paaralan at komunidad.



Address

Batangas City
4200

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OK sa DepEd - Talahib Pandayan IHS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Share on Facebook Share on Twitter Share on LinkedIn
Share on Pinterest Share on Reddit Share via Email
Share on WhatsApp Share on Instagram Share on Telegram