27/11/2025
"September 26, 2024 3:59am lumabas na ang pinakahihintay namin🥰
Magkahalong kaba, pananabik, saya at takot dahil nakita sa ultrasound na cord coil si baby🥺
Akala ko tapos na kapag nailabas ko na sya...hindi pala. Akala ko yung pagkakaroon nya ng cord coil lang ang dapat kong ipag-alala... Paglabas nya...3 pulupot, 2 loose at isang tight ang sabi ng doctor... nakahinga ako ng maluwag nung marinig ko syang umiyak... pero sinabi ng doctor na nag aasikaso sa kanya...Mommy...club foot po si baby...
Nung marinig ko un, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko...pano ko sya ipapagamot? "Kaya po ba sa hilot?" tanong ko sa doktor... pinayuhan nya akong patingnan si baby sa Ortho sa follow up check nya after a week...
Habang tinitingnan ko ang mga paa ng baby ko,sobrang nadudurog ang puso ko sa habag...pano na lang sya makakalakad? wala akong kaalam alam dahil ngayon lang ako nakasaksi ng ganitong pangyayari😔
Hindi ko masabi sa asawa ko ang kalagayan ni baby...kahit sa mga kapatid ko di ko kayang ikwento... hanggang makauwi kami...
Sa bahay, sobrang daming sumalubong sa amin ni baby Alyzz, sabik na makita at mahawakan sya...saka lang nila napansin na parang kakaiba ang mga paa nya, sabi ng aking inay..ipahilot ko sa Maghihilot sa amin baka maaayos daw... pero desidido na ako...sa Ortho ko sya dadalhin...
Pagkatapos ng isang linggo, dinala na namin sya sa Ortho upang patingnan... dinig na dinig ko ang kaba ng aking dibdib...nagmamasid ako sa aking paligid ..ang dami pala namin😔...may kasing edad ni baby Alyzz, may mas bata at mas matanda...
Nakilala ko dito si Ma'am Joan...dahil sa ngiti nya,,nabawasan ang takot at kaba ko...malaking tulong talaga kapag ang taong kaharap mo ay may positibong awra...nakakahawa. Sinimulang simentuhan ang paa ni baby Alyzz...sa sobrang iyak nya, nag-iinis inis sya at halos hindi na humihinga...habang umiiyak sya...umiiyak na din ako😢😢😢 dahil sa sobrang awa...
(fastforward)
Nakalipas ang 4 na linggo, nakatapos na kami sa Casting period...Tenotomy naman🥺 grabe ang iniiyak ko din dito dahil ramdam ko sa bawat iyak nya yung sakit na kanyang nararamdaman😢😢😢Ilang gabing walang tulog dahil bawat galaw nya ay iyak sya ng iyak dahil sa sakit😔😔😔
Pagkatapos ng isang linggo🥰 ok na ang baby... hindi na sya sobrang ligalig ..siguro wala na yung sakit.
Inalis na ang Cast at nakita ko yung pilat na magbabago ng aming buhay...makakalakad na ang baby Alyzz namin🥰🥰🥰
Sapatos naman!!! 23 hours isusuot ang sapatos at may isang oras para magpahinga at irelax ang kanyang mga paa...super active ang aming bebe🥰 napakalikot, napakabibo...
May magulang na nagsabi sa akin, pano ko daw nakaya na ipaopera ang baby eh ang liit liit pa nya...ang sagot ko..."Gusto ko po kasi habang lumalaki sya, normal na ang kanyang mga paa..."
At eto na nga!!! 1 taon na sya ngayon! Nasa stage na kami ngayon na 8hours na lang ilalagay ang sapatos nya ..kapag tulog na sya🥰🥰🥰
Akala ko talaga wala nang pag-asa😔 akala ko parusa ito sa akin ng Diyos dahil sa mga nagawa kong kasalanan😭 pero hindi pala...Biyaya sya sa amin ng Panginoon para kaming mag asawa ay mas tumibay pa🥰🥰🥰
Sa ngayon po, maayos na maayos na nakakalakad ang aming baby Alyzz, kailangang bantayan palagi dahil ang paborito nyang gawin ay umakyat sa hagdan😅
Ako po ay taos pusong nagpapasalamat sa lahat ng mga doctor na tumingin, gumamot at nag intindi sa aming baby Alyzz... Most especially po kay Mam Joan na kahit gabi, sumasagot sa aming mga katanungan,🥰💖 Salamat po at Nawa ay pagpalain pa po kayong lahat ng Panginoon para mas madami pa ang inyong matulungan💖💖💖"
-Anelyn Torino Alea (Clubfoot Baby Parent)
Ang Clubfoot ay nagagamot! Ang tanging hangad namin ay makalakad ng normal ang lahat ng batang ipinanganak na may Clubfoot 😇
Mga ka-mommy, tulong tulong tayo sa pagbuo ng normal na lakad sa buhay ni baby ❣️ Ang inyong compliance ang totoong nagpapagaling kay baby 😇 Maraming Salamat po ❤️