06/12/2025
Protokol 8: NAMATAY NGA GA SI HESUS SA KRUS?
Sininop ni Edgar C. Lontok
6 Disyembre 2025
Ang tanong na idinudulog ng protokol na ito ay sensitibo. Subalit naniniwala ang nagsinop na mas handa na ngayon ang mga tao na tumanggap ng ganitong uri ng paksa bunga ng mas mataas na kamalayan ng mga tao ngayon kumpara sa mga dekadang nagdaan.
Ang FB page na ito ay isang pampamayanang pahina. Ang mga tao dito sa Talumpok, karamihan ay magkakamag-anak, wika nga ay “Isang Pisa”, “Tubong Talumpok” o may kaugnayan sa ating dalawang barangay. Samakatuwid, kahalintulad nito ay pampamilyang pahina, na isinasangguni sa mga sumusubaybay na kalipi kung ano ang nakalap, upang sama samang mas neyutral na pag-aralan. At maaaring hanapan na rin ng sagot ang katanungan?
Isa sa mga layunin ng Talumpok Global ay maitatag natin ang isang ‘healing community’. Naniniwala ang sumulat ng artikulong ito, na hindi lamang ispiritwal, pisikal, o pangmental na karamdaman o karaingan ang nangangailangan ng kagalingan. Maging ang programang ipinasok sa isipan, pagkakondisyon o kinagisnang gawi, tradisyon o paniniwala, baka mainam na suriin na rin. Dahil minsan baka healing o pagpapagaling na rin sa mga ito ang kailangan, lalo na sa paglipas ng araw? Ang panahon ay nagbabago at nagtatapos ang siklo, upang magsimula muli ng bago.
Sa pamamagitan ng protokol na ito ay nais kong ibahagi ang paksang matagal ko nang gustong sulatin. Subalit naghintay muna ako ng isa pang perspektiba mula sa ibang mga nilalang . Pagkatapos na marinig ko kamakailan ang pahayag ni Valir na isang Pleiadean, sabi ko, ito na marahil ang hinihintay kong mensahe. Halos labing pitong taon akong nag-aantabay, simula Enero ng 2009!Tingin ko ay ito na ang tamang pagkakataon upang sulatin ko ang ang aking nakalap sa aking paghihikap, pagbabasa at paggalugad sa internet.
Noong ika-3 ng Enero 2009 ay dumalo ako sa isang pagtitipon ng mga mag-aaral ng Keylontic Science sa Beek en Donk, isang maliit na bayan sa bansang Netherlands. Doon ko unang narinig na hindi December 25 ang petsa ng kapanganakan ni Hesus.(The Real Christmas Story, Translated from Plate 6 of the Emerald Covenant CDT Plate Recorder Discs, 15 December 2001) Ang sanggol na si Jesheua na isang D12 Avatar (anak nina Jeudi at Joehius) ay isinilang noong ika-22 ng Nobyembre 12BC. At ang isa pang sanggol na si Jeshewua na D9 Avatar na anak ni Maria na asawa ni Joseph ng Arimathaea ay isinilang noong 7BC. At sa librong nakita ko doon sa pagtitipong iyon, noong buklatin at basahin ko, sa mga pahina ng naturang aklat ko rin nabasa na hindi raw ipinako at namatay si Hesus sa krus kundi ay si Arihabi.
Ang impormasyon dito ay galing sa sinaunang mga tala ng Cloister Dora Teura Plate Libraries o “CDT Plates”. Ang CDT Plates ay ginawa ng mga Pari ng Ur at mga lahi ng “Holy Grail Line”. Nakatala sa CDT Plates ang kasaysayan ng ebolusyon ng buhay simula noong 950 bilyong mga taon na ang lumipas hangang sa kasalukuyan.
Kumadlo ako ng ilang mga binanggit dito sa aklat na Voyagers The Sleeping Abductees Volume I of the Emerald Covenant CDT-Plate Translations 2nd edition sa pahina 179-181.
“Si Jesheua Sananda Melchizedek, kilala bilang Hesukristo, ay hindi ipinako sa krus at hindi namatay. Si Jesheua o “Hesus” ay tumaas sa pamamagitan ng Arko ng Tipang daanan sa Sirius B Star Gate-6 noong taong 27, sumusunod sa pagkatapos ng mga pagsasalin ng mga bahagi ng sa Mga Tagapagtatag ng Maharata- Panloob na Kristo Pang-ispiritwal-Agham na mga Teksto at pagkatapos ng pagiging ama sa bago, mas pinalakas na Eiyani Malakristo Malaanghel na Pantaong Linya ng Lahi (Grail Line) sa Lupa. Ang linya ng lahi ni Jesheua na anim na mga anak, pinunla (fathered) sa pagitan ng taon 18 hanggang taon 23, ay ang mga ninuno ng mga Indigong Kabataang Eiyani Linya ng Lahi na patuloy na nag iinkarnasyon sa Mundo sa nakalipas na isang daang taon. Ang kwento ng “Pagkakapako sa Krus ni Kristo” ay itinanghal ng Annu Elohim. Noong taong 325 ang mga labi ng kay Jesheuang mga turo tungkol sa Panloob na Kristo ng Melchizedek Cloister at ang kasaysayan ng kaniyang linya ng pamilya ay minaniobra na ang pagkakasulat at binaluktot ng Konseho ng Nicaea at ng Simbahan ng Roma sa kanilang pagtitipon ng aklat na naging ang “Kanonisadong Bibliya”. Ang Konseho ng Nicaea ay nagbaluktot sa natitirang Mga Turo ng Essene tungkol sa Tunay na Panloob na Kristo tungo sa Dogmang Pagkontrol na nakabase sa takot, na may intensiyong itaas ang pampulitikang layunin ng Emperyong Romano tungo sa pangmundong kapangyarihan.”
“Kagaya ng sinubukang ipakita sa atin ni Jesheua Melchizedek-Hesus, ang tunay na Tagapagligtas ng ating lahi ay Palaging nakatira sa loob ng bawat isa sa atin, bilang ang natutulog na Panloob na Kristong Sarili na nakikibaka upang magising.”
Sa isa pang aklat na Voyagers The Secrets of Amenti Volume II of the Emerald Covenant CDT Plate Translations 2nd Edition, dito ay binanggit na ang napako sa krus ay si Arihabi.
Hinalaw mula sa pahina 101-102:
“Isa pang lalaki, na may pangalang Arihabi, na isang Hebreong Annu Melchizedek na isinilang sa Herusalem, ay pinangunahan ng Elohim, sa pamamagitan ng sunud sunod na mga pangitain, na maniwala na siya ay ang tunay na Jeshewua-9 at ito ay ang lalaki na napako.”
“ Ang kwento ng Hesukristo, na batid sa pangkasalukuyang mga panahon, ay lumago sa pamamagitan ng mitolohiya na ginamit ng Elohim upang pagtakpan ang tunay na pagkakakilanlan ng kanilang Avatar, na si Jeshewua-9 at upang ipagpatuloy ang kanilang patriyarkang pagkiling sa Kredo ng Templar. Ang mga pagkabaluktot sa mga katotohanan ng kasaysayan ay ginamit upang protektahan ang angkan ni Jeshewua-9 mula sa pampulitikang persekusyon, ginawa itong lumabas na ang Kristo ay walang mga inapo, na nagpapahintulot sa mga inapong iyon na manatiling nakakubli sa pananaw ng publiko.”
Samantala ay dumako naman tayo dito sa mensahe o transmission na nakuha sa pamamagitan ng chanelling. Ang ‘entity’ o lalang na nagbibigay ng pahayag ay si Valir na taga Pleyades. Binanggit sa Bibliya ang Pleyades sa Amos 5:8, Job 9:9, Job 38:31-32.
Munting pagpapaliwanag:
Ang holographic projection ay teknolohiya na lumilikha ng tatlong dimensiyong mga imahe sa pamamagitan ng pagmamanipula ng liwanag.Ito ay isang ilusyong pampaningin.
Ang holographic insert (holograpikong suksok) ay huwad o tunay na alaala na ipinuprograma sa ating kamalayan upang makontrol ang isip para manipulahin. Nababaluktot ng holographic insert ang oras at espasyo kaya namamanipula ang kronolohiya ng panahon (timelines).
Humalaw tayo ng ilang mga talata mula dito sa YouTube video ng GFL Station (Jesus & The Pleiadians..) na:
“It’s Time To Reveal His TRUE Cosmic Origins…” The Pleiadians VALIR 3 December 2025
23:42 “ Ang imahe ni Yeshua na nakapako sa krus ay ginamit na parehong simbolo ng banal na pag-ibig at, sa kasamaang palad, bilang sandata ng takot at kasalanan.”
23:59 “Maghanda na palawakin ang inyong isip, dahil ang katotohanan ay maaaring gumulat sa inyo: ang pagpapako sa krus ay hindi naganap sa kabuuan kagaya ng sinabi sa inyo. Mayroong maliwanag na panlilinlang na nangyari- parang kosmikong mahika- na nagpanatili sa sangkatauhan na nakatutok sa paghihirap at kamatayan, sa halip na sa pagtatagumpay ng buhay. Ang sa aming mga Pleyadeang datos at perspektiba ay nagpapakita na ang tunay na Yeshua sa kaysaysayan ay inilagay sa krus, subalit ang kinalabasan at karanasan ay napaka kakaiba mula sa malaking drama na sa mas huli ay ipinahayag ng mga maykapangyarihan sa relihiyon.Una, ating ikonsidera na iyong mga gusto na tanggalin si Yeshua ay gusto rin na ang kaniyang mga tagasunod ay matakot at masira. Anong mas mainam na paraan kaysa maglunsad ng napakapublikong kakila-kilabot na pagpatay sa kanilang pinakamamahal na pinuno? Subalit, sa mas mataas na katotohanan, ang kaluluwa ni Yeshua at kaniyang mga kosmikong kaalyado ay mayroong kanilang pansariling plano para sa sandaling ito. Sa pamamagitan ng makabagong ispiritwal na mga kaparaanan ( maaaring tawagin ng ilan na holographic projection=holograpikong pagpapakita o pagkabisado sa kronolohiya ng panahon =mastery of timelines), ang sitwasyon ay ginawa upang tuparin ang mga pangangailangan ng mga itim na pwersa habang pinuprotektahan ang tunay na katapatan ng misyon ni Yeshua. Sa madaling salita, ang holograpikong ilusyon ay nakapatong sa kaganapan. Ito ay tila baga ang isang pelikula ay pinalabas para sa mga tao, iyong pinaniwalaan at tinanggap nila bilang katotohanan, nagpapakita na nagdurusa at namamatay si Yeshua sa krus.”
25:35 “Samantala, sa kabila nitong binanghay na drama, ang tunay na kwento ay iba. Paano ito naging posible? Unawain na ang mga nalinang na mga nilalang (parehong ng liwanag at, nakalulungkot, ilang maitim) ay nakababatid paano lumikha ng holograpikong mga suksok tungo sa katotohanan. Ang mga ito ay parang kolektibong mga pananaw o maramihang mga guni-guni na iniudyok sa pamamagitan ng teknolohiya o kapangyarihan ng isip, na maaaring malinaw na bawat isa na makasaksi sa mga ito ay maniwala sa mga ito na materyal na katotohanan.”
26:16“Sa kaso ng pagpapako sa krus, ang holograpikong drama ay inorkestra sa palibot ng krus. Marami sa mga tagamasid ay talagang nakasaksi at sa bandang huli ay nagkwento ng paghihirap ni Yeshua, ang pagdilim ng himpapawid, ang kaniyang huling iyak at kamatayan. Subalit ito ay isang saray ng katotohanan- ang isang naging naitala sa mga kasulatan. Sa kabalalay na saray ng katotohanan=parallel layer of reality ( sa likod ng talukbong ng suksok=insert), si Yeshua ay hindi nagdusa nang labis gaya ng pinaniwalaan, at hindi siya namatay sa krus kagaya ng iniisip ng tao. May maingat na pakikialam, maaaring tinulungan ng mga manggagamot na Essene at teknolohiya ng pamilya ng Bituin, siya ay tinanggal na buhay mula sa krus, ang kaniyang pwersa ng buhay ay napreserba sa antas ng pamamahinga.”
28:42“Ang pagpapako sa krus bilang holograpikong suksok ay nakakamanghang estratehiya: nagbigay ito ng hitsura ng pagkatalo, samantalang sa katotohanan naman ito ay malaking taktikang pagkapanalo para sa Liwanag. Nilinlang nito ang mga pwersa ng dilim tungo sa pag-urong muna, iniisip na ang banta ay wala na, habang si Yeshua at ang mga malalapit na kasamahan ay makapagpatuloy ng trabaho na patago. Tunay, itong pangyayaring ito ay epektibong pagkilos ng banal na katalinuhan – kahit na dumating na may tototoong sakit at panganib para kay Yeshua at sa mga nagmahal sa kaniya.”
32:38 “…ang kaniyang misyon para sa inkarnasyong iyon ay kumpleto: ang Kristong alon ng baybrasyon ay naiangkla at ang halimbawa ng walang kondisyong pag-ibig sa ilalim ng kahirapan ay ibinigay. Ito ay oras para sa kaniya na umalis nang matiwasay at magpatuloy ng kaniyang gawain sa ibang antas.”
35:07“Sa wakas, pagkatapos ng maraming mga taon- ilang mga tala ay nagmumungkahi na nabuhay siya higit walumpong taong gulang- ang pantaong buhay ni Yeshua ay dumating sa tahimik na pagtatapos. Hindi gaya ng magulong drama na niluto sa Judea, ang kaniyang huling mga taon ay matahimik. Mayroon siyang sariling pamilya (oo, batid niya ang pagmamahal sa kasama at maaaring nagkaroon ng supling, nag-iiwan ng linya ng tagapagmana.”
36:59 “Isang araw, pagkakasunduin ng sangkatauhan ang dalawang mga hibla- ang panlabas na mito at ang panloob na katotohanan- at matagpuan na ang tunay na kwento ay mas nagbibigay ng inspirasyon.”
37:28 “ Sa paghahayag nito sa inyo, mga minamahal, kami mga taga Pleyades ay umaasa na mapalaya kayo mula sa nakakasakit na pagkatutok sa pagpapapako sa krus at sa halip ay magpokus kayo sa muling pagkabuhay at sa buhay.”
47:26 “ Isa sa pinakanakapagpapalayang mga pagkakapangyari na dinadala ng bagong pagkaunawa ay ang Kristo ay hindi nag-iisang indibidwal na nagyelo na sa panahon, kundi ay ang nabubuhay na enerhiya na magagamit ng lahat.”
Samantala, si Gunnar Samuelson na isang teyologo na mamamayan ng bansang Sweden ay nagsabi na: “Walang natatangi na parusa na tinatawag na pagpapako sa krus, walang malinaw na pamparusang gamit na tinatawag na krusipiho saan man na binanggit sa alin mang sinaunang mga teksto kasama na ang mga Ebanghelyo.”
Ito ay mababasa sa artikulong: Jesus Christ May Not Have Died on Cross, July 1, 2010 ng abcnews.go.com.
https://abcnews.go.com/GMA/jesus-christ-died-cross-scholar/story?id=11066130
Batay naman sa Koran, ang banal na aklat ng mga Muslim sa An-Nisa 4:157
“…at para sa pagyayabang, “Pinatay namin ang Mesiyas, si Hesus anak ni Maria, ang sugo ni Allah.” Subalit hindi nila siya pinatay ni ipinako – ito ay ginawa lamang na lumabas na gayun. Kahit na iyong nakikipagtalo tungkol sa pagpapakong ito ay nagdududa. Wala silang kaalaman anuman – gumagawa lamang ng mga pagpapalagay. May katiyakan hindi nila siya pinatay.”
https://quran.com/an-nisa/157
Muli, kagaya ng malimit kong sinasabi ay hindi ako dalubhasa tungkol sa mga sinusulat ko. At inaamin ko na hindi rin ako magaling na manunulat. Ako ay isang ordinaryong mamamayan na patuloy na nag-aaral at nagsisikap na magsulat sa abot ng aking kaya at ibahagi ito sa may gusto. Marahil ay kasama ito sa misyon ng aking kaluluwa, sa aking pangkasalukuyang inkarnasyon at paglalakbay. At tinutupad ko lamang iyon!
Nababatid ko na ito ay sensitibong pagbabahagi. Bilang pagtatapos ng post na ito ay hihiramin ko sa ikalawang pagkakataon ang mga linya ni Valir:
37:28“In revealing this to you, dear ones, we Pleiadeans hope to free you from the morbid fixation on the crucifixion and instead focus you on the resurrection and life.”
37:28 “ Sa paghahayag nito sa inyo, mga minamahal, kami mga taga Pleyades ay umaasa na mapalaya kayo mula sa nakakasakit na pagkatutok sa pagpapapako sa krus at sa halip ay magpokus kayo sa muling pagkabuhay at sa buhay.”
36:59“One day, humanity will reconcile these two threads- the external myth and the inner truth- and find that the real story is even more inspiring.”
36:59 “Isang araw, pagkakasunduin ng sangkatauhan ang dalawang mga hiblang ito- ang panlabas na mito at ang panloob na katotohanan- at matagpuan na ang tunay na kwento ay mas nagbibigay ng inspirasyon.”
https://youtu.be/ACWKpk2GHCw?si=19OmWqHInTp0BsNx